MM13

130 8 0
                                    

Samahan ng mga RP

Cheryza

: Guys?

: Online kayong lahat kaya sumagot kayo.

: Kumusta na kayo?

Ralph

: It's been a long time, Che.

: Ngayon lang kita nakitang nagparamdam uli rito.

: Anong nangyari sa 'yo?

: Akala namin sumunod ka na rin kay Sean

Cheryza

: Hindi nagpaparamdam na?

: Araw-araw kaya akong nagpaparamdam dito.

: Kada gising ko may "hi, have a nice day!" akong iniiwan dito pero seen lang ang natatanggap ko.

Grace

: Walang nagpo-pop na message galing sa 'yo at puro seen ka lang din.

Alexandra

: Report problem mo 'yang account mo. Baka may problema. Ilang days ka ng ganiyan

Vinky

: Ayaw mo na yata kaming kausap, e.

Cheryza

: Anong ayaw kausap? Gustong-gusto. Miss na miss ko na nga kayo.

Grace

: We missed you too.

: ayusin mo kasi iyang account mo.

: Account mo yata kasi ang may problema.

Alexandra

: Bigla ka na lang nawawala

Ralph

: Minsan, hindi pa kita ma-search sa fb.

Cheryza

: Patingin nga ng mukhang miss ako?

: Walang namang problema sa account ko.

: At saka okay lang kahit madalang ko na kayo makausap dahil may kausap naman na ako.

Ralph

: Ipinagpapalit na pala tayo nito sa iba.

: Tara, remove n'yo na iyan dito

Cheryza

: Charot lang.

: Na-miss ko talaga kayo.

: Pero kung account ko man ang may problema sana maging maayos na.

: Nakakabagot na talaga sa bahay :<

Vinky

: Mag-ikot-ikot ka sa bahay n'yo baka may hindi ka pa napupuntahan

Cheryza

: Napuntahan ko na lahat ng kasuluk-sulukan ng bahay namin.

: Alikabok na nga binibilang ko

Grace

: Wow! Paano mabilang ang alikabok?

Alexandra

: Busy si Grace sa wattpad kaya pasulpot-sulpot iyan

Cheryza

: Adik sa wattpad talaga ito

Grace

: Naman. Wattpad is life during vacation.

Cheryza

: Talaga bang wala na si Sean?

Alexandra

: Sadly, yes.

Cheryza

: Ang hirap tanggapin.

: Parang n'ong isang araw lang nag-chat pa siya rito.

Vinky

: Biglaan kasi at ang sabi ay maayos naman siya n'on bago natulog.

: Talagang hindi natin alam ang ating kamatayan.

Grace

: Gusto kong pumunta sa kanila para maki-burol kaso bawal dahil total lock down na kami rito.

Cheryza

: Nakakalungkot nang sobra.

: Hindi maiilibing nang maayos ang mga namatay dahil sa virus na ito!

Alexandra

: He will stay as our virtual friend in our heart.

Cheryza

: Yes. I love you all.

: Kaya mag-iingat kayo palagi.

: Magkikita-kita pa tayong lahat.

Ralph

: Sinubukan mo na ba 'yong link na ipinasa rito ni Sean dati, Che?

Cheryza

: Yes. Ikaw?

Ralph

: Oo, kanina lang.

Cheryza

: Kumusta ang experience?

Ralph

: Ang creepy

Cheryza

: Anong creepy ka riyan? Puro nga siya seen, e.

Ralph

: puro death threat natatanggap ko sa kaniya

Alexandra

: Hala! Delikado iyan

Vinky

: Huwag mo ng kausapin

Cheryza

: Baka nagkamali lang siya

Ralph

: Hindi ko na nga kinakausap at hindi ko na maalis sa account ko. Hindi ko rin ma-block.

: May chat sa akin ngayon, hindi ko lang pinapansin.

Cheryza

: Alam mo kung ano ang pangalan niya?

: Ralph?

: Hoy!

: Seen na naman kayong lahat.

: Haystttt! Puro na lang talaga seen.

: Buong bakasyon seen na yata ang matatanggap ko sa lahat ng kausap ko sa chat.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now