MM51

115 11 0
                                    

GABI-GABI akong balisa. Hindi ko alam kung saan ako magtatago bawat oras dahil kahit nasaan ako, nandoon din siya. Nagmistula siyang buntot ko at hinding-hindi ko kailanman hiniling ito.

Ayaw kong magkaroon ng kaibigang multo. Napakaimposible 'di ba? Parang nasa panaginip lang ako, pero totoo. Ilang beses ko ng kinurot ang sarili ko para magising sa masamang pangitain ngunit nasa realidad ako. Kung alam ko lang ay hindi ko na dapat siya kinausap pa. Hindi ko na dapat pinatulan kahit bored na bored ako. Sinunod ko na lang sana si Alexandra, pero dahil sa curiosity sinubukan ko.

Habang nakapikit, nakahilata sa kama at tanging paghinga at ihip lamang ng stand fan ang naririnig ay nagdadalawang-isip pa akong dumilat. Natatakot na akong dumilat dahil sa bawat pagdilat ko’y hindi nawawala ang kababalaghan.

Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko nang gumising dahil wala rin akong mapapala sa bahay. Inakusahan pa akong nababaliw, pero wala silang alam na may kausap ako; na may kasama ako rito sa aking kuwarto. Oo, aaminin ko malapit na akong mabaliw. Hindi nila ako maintindihan kahit ano pang paliwanag ko sa kanila. Nakakainis!

Nanatili akong nakapikit. Tinatalasan ang pakiramdam sapagkat anumang oras ay susulpot ito sa aking tabi. Napalunok ako nang makaramdam ako ng panlalamig sa braso pataas sa aking leeg. Nandito ulit siya. Hindi na ba niya ako lulubayan?

Malamig at napakalagkit ng pawis ko sa aking noo. Pumikit ako nang mariin, hindi magawang imulat ang isang mata upang sumilip man lang. “Ano bang kailangan mo sa akin?” naiinis kong tanong.

Wala akong nakuhang sagot kundi isang malamig lang na haplos ang natamo ko sa pisngi at ramdam ko pa ang magaspang niyang kamay.

"Ate!" Napadilat ako sa pagkabigla nang marinig ko ang pagsigaw ng bunsong kapatid. Bumaling ako sa pinto’t bukas iyon. Seryoso ko siyang pinakatitigan nang mabuti habang palapit siya sa akin na may maliit na ngiti sa labi niya.

"May sasabihin ako," imik niyang naupo sa kama ko dahilan para umahon ako’t umupo rin.

"Ano?" mahina kong tanong sa pagkakakunot-noo.

Bahagya akong napapiksi sa gulat sa biglang paghawak niya sa braso ko. “Para sa akin, hindi ka nababaliw. Hayaan mo na sila mama at papa.” Tumaas ang isang kilay ko sa himig niyang napakasinsero.

Pinaningkitan ko lang siya ng mata dahil nakakapanibago ang pagtrato nito sa akin ngayon. Hindi kaya...

Ambang hahampasin ko ang braso niya para matukoy ko kung kapatid ko nga ba ito pero nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi. "May kasama ka ba rito sa kuwarto mo bukod kay snow?"

Doon pumasok sa isip ko na baka nakikita niya si no name. "Nakikita mo siya?"

Marahan itong tumango at bumalot ang takot sa maliit niyang mukha. "Palagi ko siyang nakikita sa kuwarto mo pero hindi ko lang pinapansin," mahinang aniya.

Dios mio! Baka isunod siya ni no name kapag narinig niya ito pero huwag naman sana. Mabilis at mahigpit kong hinawakan ang palapulsuhan niya. Nang makita kong napangiwi ito ay niluwagan ko ang pagakakahawak sa kamay niya. Mabigat ang talukap ng mga mata kong nagtanong sa kaniya, "Nandito ba siya ngayon?"

Nangunot nang husto ang aking noo noong mapansin ko ang paglunok niya nang paulit-ulit kasabay n’on ang pag-iba ng emosyon niya sa mata. Tila maiiyak ito sa takot. Inabangan ko ang pagtaas-baba ng kaniyang ulo. Napasinghap ako sa kaniyang sinabi, "Nasa tabi ko.”

Naikuyom ko nang mariin ang kamao. Ngitngit ang ngipin kong hinila si Loraine at niyakap ito. “Tinatakot ka ba niya?” Umiling siya sa aking tanong.

“May sinasabi ba siya?” muling bitiw ko ng tanong. Tumango ang kapatid ko.

“Anong sinasabi niya?” Mabilis kong inilipat ang tingin nang may marinig akong hindi pamilyar na ringtone. Hindi ganoon ang ringtone ng cellphone ko. taas-baba ang kilay at kunot-noong naglilikot ang leeg ko sa paghahanap kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Hinablot ko ang aking cellphone at itinutok ang speaker sa tainga pero hindi ito iyong naririnig kong tumutunog.

Binitiwan ko ang kamay ni Loraine at tumayo. Sinundan ko ang ingay kung saan galing at nakita ko ang cellphone na itinapon ko sa basurahan na nasa study table ko, nasa likod ng bookstand.

“Bakit ito nandito? Itinapon ko na ito, a!” I hissed, wrinkling my forehead.

Biglang bumukas iyon at lumitaw ang message na: “Naririnig ko kayo. Wanna play?”

“Shit!” I cursed. Pabalibag na nagsara ang pinto ng aking silid at biglang napatakbo si Loraine sa akin ‘tsaka yumakap nang mahigpit. Isinubsob niya ang mukha niya sa aking tiyan at paulit-ulit niyang sinabing, “Natatakot ako, ate. Nakakatakot siya.”

Halos mayupi ako sa sobrang higpit ng yakap ni Loraine nang marinig naming pareho ang nagdadabog na yabag at maya-maya ay nagtatakbo ito nang mabilis. Kitang-kita ang putik niyang footprints. Napatakbo kaming pareho ni Loraine sa kama nang mahulog ang bookstand sa tabi ko. Parehas kaming nagtakip ng unan sa aming mukha at naghawakan nang mahigpit.

Muntik na naming mabali ang buto ng isa’t isa sa pag-alingawngaw nang napakatinis na tawa sa apat na sulok ng silid.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now