MM29

121 8 0
                                    

Cheryza

: Ano 'yong minention mo sa akin?

: Bakit puro creepy confessions?

: Mahilig ka sa mga ganoon?

: Next time huwag mo na akong i-mention dahil mahina ako sa ganoon. Takot ako, I mean.

: Hindi na tuloy ako makalabas ng kuwarto ko.

No Name

: Seryoso ka?

Cheryza

: Oo. Nakakatakot kaya. Bakit ikaw, hindi ka natatakot?

No Name

: Bakit naman ako matatakot?

Cheryza

: Ang weird mo. Everyone is scared to ghost, but you are not afraid.

No Name

: Ghost seeks help.

Cheryza

: Hindi rin

: Nananakot sila.

: Mas nakakatakot nga sila kaysa sa tao.

: Nakakakita ka ng mga multo? May third eye ganoon?

: No Name?

: Seen ka na naman

: Moody ka talaga.

: Ang bilis mainip

: Mabilis mawalan ng gana sa kausap.

: Medyo nakakainis pero ayos lang naman. Wala lang siguro akong sense kausap.

: O baka may nasabi akong ayaw mo?

: May kaibigan ka sigurong multo kaya hindi ka takot ano?

: Sana hindi all.

: Nakakatakot kaya magkaroon ng kaibigang multo.

: Mabuti na lang wala akong third eye.

: Alam mo bang gusto kong makakita rin ng multo pero mas mabuting huwag na lang pala dahil baka atakihin pa ako sa puso kapag nakakita ako.

: Horror movies pa nga lang hindi ko na kaya, paano pa kaya kung may nakita na ako, ano? HAHAHA.

: Siguro hindi na ako lalabas sa kuwarto ko't hindi na babangon pa sa kama sa sobrang takot.

: No Name, wala ka ng balak reply-an ako?

: Wala na nga talaga.

: Hays. Kausap ko na naman sarili ko.

: Kung puwede lang na ako ang manalo sa jack n poy sa salamin, e, kaso hindi puwede.

: Baka mapagkamalan naman akong baliw kapag bibilangin ko hibla ng buhok ko.

: Makipaghabulan na lang ako sa hangin.

: Laro na lang tayo, gusto mo?

: Ay, seen.

: Ayaw. Sige huwag na lang.

: Makikipaglaro na lang ako sa sarili ko.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum