MM59

110 10 3
                                    

NAKAHAWAK AKO sa aking noo sabay himas dito at sunod-sunod ang pagpapakawala ko nang malalalim na buntonghininga. Problemado kung paano ako makakapunta roon sa barangay na sinabi ni no name—este Nona sa akin. Kumurba ang isa kong kilay pataas nang mapagtantong may koneksyon din pala ang pangalan niya sa no name na ipinangalan ko sa kaniya sa tunay niyang pangalan.

Umiling ako para iwaglit ang walang kuwentang bagay na iyon sapagkat kailangan kong mag-isip ng paraan para mahuli ang satanas na gumawa n’on sa kaniya. Ala-sais pa lang ng madaling araw ay dilat na dilat na ang mga mata at agad kong binulabog si Grace para gisingin siya. Nakahinga ako nang maluwag, tila ba nabunutan ako ng tinik sa lalamunan mula sa sinabi ni Nona na maayos si Grace, subalit kinakabahan dahil baka kinakausap nga niya iyong hinayupak na Lance.

Nagkibit-balikat ako dahil siguro naman ay mas pipiliin niyang magbasa sa wattpad kaysa sa makipag-usap sa chat. Muli akong nagpakawala pa ng isang hangin nang umihip ang malamig na hangin sa aking batok. Imbes na kilabutan ako gaya ng dati ay tila nasanay rin ako sapagkat nangangalap lamang ng tulong si Nona.

Napakamot ako sa aking batok dahil hindi ko alam ang gagawin lalo na at mas pinalawig ang community quarantine at ang ibang parte nga rito sa Manila ay lockdown. Bawal lumabas sa bahay kahit buryong-buryo ka na. Napakalupit naman ng 2o20 ngayon. Wala pa sa kalahati ang taon at napakarami ng pasabog. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala sa susunod pang mga araw. nakikita ko nga rin sa mga facebook friends kong todo share sila ng mga post tungkol sap ag-restart sa taong 2020. At kung ako ang tatanungin at kung may kakayahan akong i-restart nga ang taon, hindi ko na gagawin pa. Para kasi sa akin, nagsimula na at ipagpatuloy na lang nating lumaban kaysa sa i-restart pa at paano kung mas malala pa sa nangyayari ngayon ang mangyari. Hindi natin masabi pero ito talaga yata ang nakatakdang magaganap sa mundo ngayon.

“Nona… alam mo ba kung ano ang ginagawa ni Grace o ni Lance?” tanong ko dahil malakas sa pakiramdam kong nandito siya sa aking tabi. “Mag-type ka naman, o…” pakiusap ko.

“Kasalukuyang nagpapakalulong sa alak ang hinayupak na Lance, habang naghihintay ng reply sa kaibigan mo. At alam kong may masamang balak siya, nag-iisip ng plano kahit may banta ng COVID-19.” Basa ko sa itinipang mga salita ni No Name sa cellphone ko.

“Si Grace, tulog pa rin kahit magtatanghalian na. Napuyat sa kababasa ng wattpad ba ‘yon?” Tumango ako bilang sagot. “Pero gising na siya.”

Umismid akong kinuha ang cellphone ko sa aking tabi. Hindi alam kung nasaan siya mismo ngayon, kaya minabuti kong umupo nang matuwid at nakaharap ako sa aking study table. “Nona, bawal kasi akong lumabas ng bahay at kahit malapit lang ang barangay na sinabi mo sa amin ay mahigpit sila doon lalo na at may limang positive sa COVID-19,” panimula ko.

“Hindi ko rin kasi puwedeng sabihin sa mga pulis na may bangkay sa barangay na iyon at ang suspek ay si Lance. Baka kasi magtaka sila at maghahanap sila ng ebidensya panigurado. Naka-post naman yata ang picture mong ‘missing’ ‘di ba? Kukuha na lang ako sa facebook at ipri-print ko na lang, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga pulis.” Napakamot ako sa kilay.

Mahirap na at baka mapagkamalan pa nila akong natri-trip kapag bigla kong idudulog ito. sa ngayon, kailangan ko rin muna kausapin si Grace para maikuwento ko ang buong pangyayari ‘tsaka para magbigay rin siya ng kaniyang suhestyon. Nawiwindang na ako. Hindi ko alam kung paano ang gagawin. Mag-shift na lang kaya ako ng kurso ko, ano? From BSEducation major in mathematics to BS in Criminology.
Pagkaraan nang dalawang minutong katahimikan ay lumitaw ang chat head ni Grace sa phone screen ko.

Grace

: Cheee!

: Na-miss kita!

: Kumusta ka na?

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now