MM48

113 8 0
                                    

I scanned my whole room, and when I didn’t find anything suspicious and I felt calmness, I stepped in. Hindi ako natulog dito kagabi, tiniis kong matulog sa sofa bed sa sala at hindi rin maganda ang tulog ko sapagkat tila nandoon siyang nakaupo rin sa single sofa at nauulinigan ko ang maingay na yabag. May naglalakad. Akyat-baba siya sa hagdan at may humaplos pa nga sa buhok ko kagabi pero hindi ko ipinahalatang natatakot ako imbes nagpanggap akong tulog na tulog.

Naupo agad ako sa aking kama at malilikot ang daliring nagtipa ng text message para kay Grace.

To: Grace

May load ka ba? I need you right now. I’m scared. Ano na ang gagawin ko? Nakita ko siya kahapon. She’s with me. Nakakamatay ang pagngiti niya. Ayaw ko ng i-describe sa ‘yo kung ano ang hitsura niya pero sobrang nakakatakot—hindi ko nga mailarawan nang mabuti. Sa bawat pagtulog ko siya ang laman ng isip ko, hindi mawala iyong ngiti niyang tila may masamang balak sa akin. Hindi ko hiniling na makita siya.

Lumingon ako sandali upang pakiramdaman ang paligid. Sana naman ay huwag akong biguin ng gut feel ko dahil umaasa ako ngayon na sana wala siya rito, na sana huwag na siyang magparamdam pa at lubayan niya ako. Ayaw ko siyang makita.

Mabilis na nagbaba ako ng tingin nang makatanggap ako ng reply kay Grace.

From: Grace

Pray, Che. Mas malakas si God kaysa sa kaniya. Huwag kang magpadaig sa takot. Pray lang talaga ang susi natin. Even me, she keeps bugging me and I tried my very best to ignore her.

To: Grace

Ganiyan madalas ginagawa ko pero parang hindi naman tumatalab. Wala na akong tulog, Grace. Btw, maalam ka ba sa 21,22,26, ganoon? May message kasi siya sa akin dati at parang huhulaan mo kung ano ang message n’on.

From: Grace

Send mo sa akin.

Lumapit ako sa laptop ko at nag-online roon. Binalikan ko ang chat naming dalawa at nang mahanap ko ay dali-dali akong nagtipa.

To: Grace

I’m alone inside the slaughter house with 5 doors written above Cleoxenus and 5 big windows written below Democleitus. Please, trust me. 24 11 32 52 24 44 23 54 34 45 at 24 11 32 33 34 44 25 24 14 14 24 33 22.

From: Grace

Ah, alam ko ‘yan. Sandali isu-summoned ko lang si Loki. Joke. Send ko sa ‘yo mamaya.

To: Grace

Baka may gusto kasi siyang sabihin, e, o baka iyan iyong message niya at inamin niyang siya ang pumatay kila Sean, Ralph, Vinky at Alexandra. Send mo agad sa akin, ha?

Pinakatitigan ko ang ‘message sending’ ngunit bigla kong nabitawan ang cellphone ko dahil may biglang tumabig doon. Alam kong mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko, ayaw ko ngang mahulog ito at masira pero may… napalunok ako nang wala sa oras at biglang umihip ang hangin sa aking bintana.

God! She’s here. What should I do? I bit my lower lip from nervousness.

Sunod-sunod ang pagtunog ng nakakairitang notification ringtone ng messenger sa nakabukas kong laptop. Nag-aalangan akong mag-angat ng tingin dahil baka mamaya hindi niya mensahe ang makita ko kundi siya. Mamamatay ako sa gulat kapag siya ang makikita ko.

I didn’t touch anything, but a voice message automatically played and I heard her wheezy voice.

“Cheryza, don’t play dumb. Sabi ko naman sa ‘yo nakikita kita. Huwag kang makipaglaro sa akin nang patago. You want to meet me, right?”

Napatayo ako sa pagkakaupo nang biglang magsara ang laptop ko.

Putragis! May balak pa yatang sirain ang laptop ko. Pashnea talaga.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now