MM15

137 7 0
                                    

Cheryza

: Hi, no name.

: Ako na naman at alam kong seen ulit ang matatanggap ko sa ‘yo.

: Hindi ko kasi mahanap iyong group chat namin

: Hindi naman ako nag-leave doon o baka ni-remove na nga nila ako dahil puro raw ako seen, e, isa rin naman sila roon.

: Parang hindi rin seener, e. Qiqil ako!

: Si Grace at ikaw lang ang nakikita kong online out of 1,000 friends

: Ayaw ko naman siyang bulabugin kasi adik ‘yon sa wattpad at baka nagbabasa.

: Mas magandang bulabugin iyong naglalaro ng mobile legends.

: Anyway, kumakain ka ba?

: Araw-araw online ka, e.

: Hindi ka ba natutulog?

: Iisa lang ba ang gumagamit ng account mo ay may admin ka ganoon na sila ang nagre-reply?

: Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit kinakausap pa kita kahit wala naman akong natatanggap na reply sa ‘yo kundi puro seen lang.

: Aaminin ko, ayaw ko ma-seen dahil napakasakit. Binabalewala lang kasi ang effort ko na mag-message.

: Nakakapagod din mag-effort sa taong hindi interesado sa ‘yo.

: Iyong tipong chat ka nang chat sa kaniya at magre-reply nga pero ipaparamdam talaga sa ‘yong hindi siya interesadong kausap ka.

: Parang feeling mo tuloy ang ikaw na iyong pinaka-boring na kausap sa buong mundo, tapos magtatanong ka kung boring ka at ang isasagot niya “hindi naman”.

: Ayaw ko na talagang mag-chat sa kaniya, e, kaso bigla siyang nag-reply sa dati kong chat kaya ayon… nag-reply pa ako. Napakarupok ko pagdating sa kaniya, pero siya kaya niya akong tiisin at kakausapin lang ako kapag wala na siyang kausap.

: Baka sawa ka na sa rant ko.

: Sabihin mo lang, handa naman akong tumigil sa kara-rant at pm sa ‘yo.

: Sige, kain muna ako.

: Kain tayo

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now