MM32

115 10 0
                                    

Grace

: Cheeeeeeee!

Cheryza

: Oh, sasabihin mo na namang hindi na ako namamansin.

: Ipinagpapalit ko na kayo sa iba.

: Puro ako seen

: Hindi mo mahanap account ko.

: Ipapaayos mo ang walang problema kong account.

Grace

: Alam na alam sasabihin ko, a.

: But I miss you. Two weeks na kitang hinahagilap at ngayon lang kita nakita sa active friends ko.

Cheryza

: Sigurado kang miss mo ako?

: Kumusta ka na?

: May masama ka na namang ibabalita sa akin, ano?

Grace

: Yes. I miss you.

: Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Che.

: Baka kasi bigla ka na namang mawala sa messenger ko at hindi ko masabi.

: Pasensya ka na kung puro bad news ang ibinabalita ko sa 'yo.

: Ewan ko rin kung bakit dahil tuwing may hindi magandang nangyayari, kusang bubungad ang pangalan mo sa active friends ko.

: Nabangungot si Vinky at totoo 'yon, hindi fake news or prank.

: Kasagsagan naman ng COVID-19 biglang pumanaw rin si Alexandra

: Tapos may nararamdaman na rin akong ano.

Grace is typing...

Cheryza

: Nararamdamang ano?

: Bakit parang sunod-sunod?

: Mahaba ba sasabihin mo?

: Grace?

: Tumigil ka na sa pag-type.

: Nawala na rin lahat ng sinabi mo.

: Totoo ba talaga lahat ng sinasabi mo?

: Parang nag-iimbento ka naman yata.

: Graaaaceeee?

: Nawala ka na nga ng tuluyan.

: Puro messages ko na lang nababasa ko.

: Bakit ganito?

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now