MM46

115 8 0
                                    

Grace

: Cheee!

: Alam mo na... ngayon ka lang ulit sumulpot sa messenger active friends ko.

: I'm scared.

: Kinakausap mo pa rin siya?

Cheryza

: Hindi na, but I can't stop myself dahil nare-reply-an ko pa rin siya minsan.

: I'm scared too.

: Alam niya ang ginagawa ko at parang nasa tabi ko lang siya, pero hindi ko siya makita.

: May sasabihin ka ba sa akin?

: Sabihin mo na at baka bigla ka na namang mawala.

Grace

: She told me that I should be careful.

: Putek! Hindi ko na magawang magpuyat dahil alam niya rin ginagawa ko.

: CCTV ba siya?

: Anong klase siyang nilalang?

: Hindi na ako makapag-wattpad sa gabi nang dahil sa kaniya.

: Pinipilit ko na lang ang sarili kong matulog kahit hindi pa ako inaantok.

: Kasi kung gising pa ako ng alas-nueve sa gabi, magcha-chat siya bigla.

: Nakakatakot.

: Lintek iyan!

: Ikaw, ayos ka lang ba?

: Sinasabi niya sa aking nandiyan siya palagi sa tabi mo at hindi mo pinapansin.

Cheryza

: Hindi ko nga alam kung totoo ang sinasabi niya pero parang nga...

: Ewan.

: Hindi ako makatulog sa gabi. Dalawang araw na akong gising na gising.

: At alam mo bang any minute, nasa tabi ko siya dahil may naririnig akong kaluskos.

: Tutunog bigla iyong nakakairitang "ting" sa messenger. Hindi ko binubuksan pero kusang bumubukas at kung ano-ano ang sinasabi niya.

: May bakat pa nga ng kamay ang punda ko noong nakaraang araw at ngayon, iyong kulay puti ko namang kurtina ay mayroon din.

: She's creepy.

: Parang ayaw ko na ang matulog.

: Sinubukan ko na siyang i-block sa messenger pero kusang nag-a-unblock.

: Tapos magp-pm siya bigla ng "Hindi mo na ako maaalis sa buhay mo."

: Sobrang nakakatakot!

: At ayon, nawala ka na naman. Text ka na lang sa akin.

: Textmate na lang tayo at walang makakapigil sa atin doon, hindi gaya sa messenger.

: Parang may nagkokontrol kasi rito.

: O baka napa-paranoid lang ako?

: Wala akong makausap at ayaw ko siyang kausapin.

: Mas gugustuhin ko pang mamatay sa boredom kaysa sa mamatay sa takot habang kausap siya.

: Hindi ko na kayang kausapin pa siya.

: Nagsisisi akong kausapin siya!

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now