"Sabi ko okay lang ba sayo kung 1:30 pm tayo mag kita?" Sambit nito sakin

"Ah oo ok lang" sabi ko sa kanya

"Sge una nako! Maliwanag na usapan natin ha!" Paalam nya sakin

"Bye!" Sabi nya sabay kaway ng kamay.

Nag nod lang ako at maya maya lang bumalik nadin sa classroom.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Tapos na ang klase namin kaya agad na akong nag paalam kanila Tristan at Keith na di na muna ako sasabay sa kanila dahil nga sa makikipag kita ako kay Jenna kailangan ko nang bilisan 12:35 pm na ayokong pinapaantay yung mga babae.

Pag dating ko sa bahay agad na akong nag palit ng pormal kong damit saka panandaliang kumain nang tanghalian.

Maya maya lang Pag tingin ko sa orasan 1:35 pm na.

Halah di ko namalayan na anong oras na pala. Baka nag aantay na si Jenna duon. Hindi ko na tinapos yung kinakain ko tinakpan ko nalang at mamaya na uubusin kapag naka uwi na ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Pag dating ko sa tapat nang school wala akong nakitang kahit sino.

Hindi ko nakita si Jenna kaya naisipan kong ikutin muna ang buong labas ng school,baka nag gala lang si Jenna dahil nga matagal ako dumating.

Pag ka dating ko sa likuran ng aming skwelahan may nakita akong lalaki na may hawak na patalim at pwersahang kinukuha ang bag ng babae SI JENNA!!

Agad naman akong tumakbo para saklolohan si Jenna.

"Uyy pare bitawan mo sya!!" Sabi ko sa lalaki sabay suntok sa mukha nya.

Yun nga lang na suntok din ako sa labi. Nag dugo yung labi ko.

"Hayden!!" Sigaw ni Jenna

Agad namang may lumapit na tanod duon sa amin at hinuli yung holdaper.

"Hayden ok ka lang? Pumutok ung labi mo!!" Sambit ni Jenna sabay hawak nya sa mukha ko. Ang lamig nang kamay nya halatang kinabahan talaga sya.

"Buti nalang dumating ka kundi nakuha na nya yung bag ko" Nabigla nalang ako ng bigla nya akong yakapin^□^

Awkward mang tingnan pero ang sarap sa feeling ng niyayakap nya ko kaso bigla nalang sya napabitaw ng yakap sakin. Sa tingin ko nga dahil yun sa ka awkwardan.

"Im sorry" nakayuko nyang sambit.

"Ok lang tara na!" Sabi ko sa kanya.

"Gagamutin nalang kita sa inyo" sabi nya sakin na parang hiyang hiya.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka na kami umalis.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Makalipas lang ang 15 minutes nang pag lalakad namin ay naka rating nadin kami dito sa bahay.

"Woww!! Ang laki naman pala ng bahay nyo^○^" mangha nyang sabi.

Pag pasok namin sa loob agad na sumalubong si mama.

"Oh anak sino yan girlfriend mo? Tsaka anong nangyari sa labi mo?" Tanong ni mama.

"Ah hindi ma! ka team mate ko lang po tsaka itong nasa labi ko nakagat ko lang" sagot ko kay mama.

"Hhmmm.. hello po tita ako po si Jenna ka team mate po ni Hayden sa school mag pa practice lang po kami ng ipe present namin bukas. Pwede po ba mag practice dito?" Nahihiya nyang sabi kay mama.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon