Nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan pala talaga sya akala ko hindi,kasi palagi syang poker face yun pala ganon na yung dinadanas nya.

Nang matapos na kaming mag paliwanag nag palak pakan yung mga kaklase namin kasama ang aming guro.

"Great team work Miss Chelish and Mister Morris. Nagustuhan ko yung emotion ninyong dalawa habang nag papaliwanag kayo" komento ng aming guro.

Bago kami makaupo ni Tristan nakipag apir muna sya sakin.

Sumunod namang nag present ng team work ang aming mga kaklase.

"Nice work girl!" salubong sakin nang dalawa kong kaibigan.

Haystt!! Nakahinga hinga narin ng maluwag kasi tapos na kaming magreport.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hayden's POV

"Nice one bro!" Sabi naming dalawa ni Keith kay Tristan.

Napatingin naman sya sa akin at sinabing"Wag kang mag nice one,nice one bukas kayo na ang susunod." Halah!! Kami na nga pala mag pe present bukas patay!!

Malapit nang mag break time mamaya ko nalang kakausapin si Jenna.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Makalipas ang ilang minuto nag pa alam na ang aming guro at nag break time na nga.

Agad ko naman pinuntahan si Nathalie para mag paalam na mag uusap na muna kami ni Jenna about duon sa groupings. Palagi kasi silang mag kasama mag kakaibigan eh.

"Nathalie pwede ba kami mag usap ni Jenna sobrang saglit lang about sa groupings kasi yun eh!" nag nod naman sya saka na kami umalis ni Jenna. Pumunta muna kami ng canteen para bumili nang makakain since break time naman.

"Jenna antayin mo ko upo ka muna dyan bibili lang ako ng makakain natin saka tayo mag uusap about sa groupings" sabi ko sa kanya.

"Ah sge." Naka ngiti nyang sambit.

Ang ganda nya talaga kapag naka ngiti kaso hindi ko naman sinasabing crush ko sya pero nagagandahan lang ako sa kanya.

Nang maka bili na ako ng pag kain bumalik na ako sa table kung saan naka upo si Jenna.

"So.. ano na nga yung pag uusapan natin?" Tanong nya sakin.

"Ah naisip ko kasi bukas na tayo mag pe present ng team work natin eh kaso wala pa tayong na papag usapan about duon sa team work natin. Since acting yung napunta satin sa tingin ko kailangan natin mag panandaliang ensayo nang ipe present natin. Saan mo ba gusto mag ensayo?" Pag papa liwanag ko sa kanya

"Ahhmm.. hindi kasi pwede samin eh kasi nanduon sila Clementine tsaka Nathalie sa iisang bahay lang kasi kami nakatira. Sa inyo ba pwede?" Tanong nya muli sa akin.

"Ah sge duon nalang sa amin since di mo alam kung saan kami nakatira dito nalang tayo magkita sa tapat ng school natin. Susunduin nalang kita." Sagot ko sa kanya.

"Anong oras mo ba gusto?" Patanong kong sambit sa kanya

"Ah sge mga 1:30 pm nalang tayo mag kita medyo kailangan kasi natin ng maraming oras para makapag practice kaya inagahan ko nalang okay lang ba sayo?"

Bigla nalang sya nag clap nang isang beses sa harapan ko di ko kasi namalayan na natulala na pala ako sa kanya ang ganda nya kasi talaga mahiyain lang talaga.

"Huyy!! Ok ka lang?" Sabi nya sakin.

"Ah oo ok lang ako ano nga yung tinatanong mo kanina?" Pag papa lusot ko.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Where stories live. Discover now