Chapter 47 - Reverie

48 3 0
                                    

Gian's POV

Maaga ako'ng nagising dahil University Week na nang Western High. As usual, walang pasok at tanging mga events lang ang nagaganap sa school.

"Ang aga mo ah?" bati ni Mama sakin nung bumaba na ako sa hagdan.

"May event kasi sa school Ma, kailangan naming maaga doon dahil mag-oorientation pa." sabi ko naman tsaka sinuot ang sapatos ko.

"Ahh ganun ba?" sabi niya.

"Kasama ba kayo ni Dominic?" dagdag na tanong ni Mama na nagpatigil sa pagsisintas ko.

Matapos kasi'ng malaman ni Dom na ako si Chraig, hindi na siya nagpakita sakin. Nagkikita naman kami sa mga klase kaso we didn't spoke much dahil mukhang iniiwasan niya ako.

"Oo ma. Same section lang kasi kami." sagot ko at sinintas na ang kabilang sapatos.

"Mabuti naman kung ganun..." sabay lagok nang kape niya.

"Kwentuhan mo nga ako 'nak, may lahi'ng banyaga ba si Dominic?"

Napaisip ako sa tinanong ni Mama. Hindi ko na yun natanong kay Dom yan noon kaya inassume ko nalang na pure Filipino siya.

"Filipino siya Ma. Bakit mo natanong?" balik ko'ng tanong.

"Wala lang. Para'ng nakita ko na kasi siya sa TV eh... Baka namalikmata lang ako. Hahahaha." sabi niya dala tawa.

"Mayaman din sina Dom, Ma. Baka nakita mo na siya sa TV. Hindi lang ako sure kung ano ang trabaho nang mga magulang niya, pero base sa social standing nina Dom, mukhang mga pulitiko ang mama at papa niya." wow, bigla nalang ako'ng naging social analyst ha.

"At bakit ka biglang nagkainteres kay Dom ha? Balak mo siya'ng kidnapin no?" pabiro ko'ng tanong kay Mama.

"Oo. Tapos ikaw ay itatapon ko." harsh na sabi niya sakin.

Ang sakit naman non.

"Pero totoo'ng usapan 'nak..." putol niya tsaka muna uminom nang kape niya.

Tinignan ko naman siya nang nagtatanong.

"Si Dom ba yung tinutukoy mo'ng nililigawan mo noong nakaraan? Nung ayaw mo'ng makipagbalik kay Leonny?" yan yung tanong ni Mama na nagpabilis nang tibok nang puso ko.

"Baliw ka Ma! Ano ba namang tanong yan? Punta na ako sa school. Malalate na ako. Byee." sabi ko tsaka na umalis nang bahay.

Ano'ng nangyayari kay Mama ngayon? Ba't ang sobrang weird niyang magtanong? Creepy.

Sumakay na ako nang jeep at pumunta na sa Western High. Pagpasok palang nang gate, kita mo na ang mga food stalls sa hallway at merong paperya sa grandstand. Lumevel up ang university ah?

Sa Quezon Hall kami magkikita nang mga kaklase ko at iba'ng sections para sa orientation ngayo'ng umaga, kaya dali dali na ako'ng pumunta doon.

Naabutan ko'ng umuupo sina Airah at Mark sa stairs nang building habang nakatulog naman si Demi sa balikat ni Airah.

"Si Dom?" tanong ko kaagad pagbungad ko sa harapan nila.

"Uyyy. Good morning din Gi." sabi ni Mark.

"G-good morning pala." sabi ko. "Si Dom? Nandito na?" tanong ko ulit.

"Room 111. Kanina pa." sabi ni Mark tsaka bumalik sa pagcecellphone niya.

Pumunta naman ako sa room 111 at timing nakita ko siya na nakaupo sa sahig habang humahawak nang glue gun at mga makukulay na mga plastic.

"Oh, Gian? Nandito ka na pala? Pwede ba'ng tulungan mo si Dom sa paggawa nang college headdresses natin?" tanong nang president nang room.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now