Chapter 3 - Oblivious

132 6 0
                                    

Si Khun Four as Miss Sharmaine sa istorya ko na nasa media section po😁

Gian's POV

"Alam mo, masama ka nang tao Gi, palagi mo'ng binubully si Dominic. Ano ba talaga ang ginawa sayo nang tao?" tanong ni Mark sa akin habang lumalamon ng lunch niyang binili.

Andito kami ngayon sa canteen dahil lunch time na.

"May sinabi siya sa MWAM na hindi ko gusto." sabi ko at kumain.

"Teka, nagalit ka dahil lang sa sinabi niya?  Para kang bata. Kawawa naman si Dominic, kakahospital lang niya tapos sinalubong mo na nang pambubully mo. Ngiiii." sabi niya at tumingin kung saan.

"Hoy Mark, hindi mo alam kung ano ang sinabi niya." sabi ko.

" At ano ba ang sinabi niya ha?" tanong niya.

Flashback
2 months ago

Asan ba ang QH 235?

Shet, 1st week palang nang klase, wala pa akong naging close dito.

Parang mga maldita at maldito dito ang mga estudyante dahil wala sa mukha na gusto silang tanungin.

Hindi ko naman mahanap yung ugok ko'ng bestfriend, kahit kakilala manlang ay wala ako. Huhuhuhu.

Lumakad na ako ng lumakad at timing, sa unahan ko ay may isang bata na naglalakad din, matanong nga baka mama niya staff dito at familiar na niya ang lugar.

"Ummm, excuse me, pwede ba'ng magtanong?" tanong ko.

Tumango ang bata.

"Asan ba dito ang QH 235? Hindi ko pa kasi alam ang mga buildings dito eh." sabi ko.

" QH 235? *tumingin sa bond paper na hawak niya* Timing! Doon din punta ko." sabi niya na may excitement.

" T-Talaga? Salamat naman." sabi ko at lumakad muli kasama ang batang to.

Okay. Hindi bata to. Estudyante to.

Okay. First friend~

"Ako nga pala si Gian, ikaw?" pakilala ko.

"Ako si Dominic, nice to meet you." sabi niya at ngumiti.

Dominic? Kapangalan niya idol ko! Andaya, sana naging Dominic nalang din pangalan ko.

Nagtanong ng nagtanong kami ni Dominic sa sino-sino at sa wakas, narating na namin ang QH 235.

"Hay... salamat." sabi ko at pumasok na, sumunod naman si Dominic sa likod ko.

Wala pang guro sa harap kaya parang zoo ang classroom sa ingay.

Umupo ako sa pinaka-likod ng room, sa banda kung saan yung bintana.

Umupo naman si Dominic sa right side ko at kinuha ang cellphone niya.

Hindi naman maganda kung hindi ko na siya kakausapin after nun.

Maybe a little topic para malaman kung may common interest kami.

"Uhmm.... kilala mo ba ang MWAM?" pasimula ko na tanong.

Natigilan siya sa kakascroll nang phone niya.

"O-Oo, b-bakit?" parang kinakabahan ata to.

Great! Eto na.

"Idol mo din ba sila?" tanong ko.

Yumuko siya at tumingin sa cellphone niya.

Napabuntong hininga siya pagkatapos nun.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now