Chapter 21 - Ostentatious

85 5 0
                                    

Vincent's POV

Matapos kaming manalo sa Live Band Contest, dumami na ang umapproach samin, schoolmates, ibang outsiders ng skwelahan, at lalong lalo na ang mga kaklase namin.

I don't know kung dapat ba akong maging grateful.

Kasi kung dikit na dikit sila samin, hindi ba nila kami makikilala? Baka mabisto kami? Di ba?

We gained popularity hindi lang sa school kundi sa mga social media sites din.

Kilala kami hindi sa band name namin, kundi kami daw ang nag reenact ng Colombia-Zoned.

Sigh.

"Uhmm hi Vincent. Sasama ka ba samin sa bahay? Para nakastart na tayo'ng gumawa ng group project na sinabi ni Sir." sabi ng isa'ng classmate ko'ng lalake habang umaayos ako ng gamit ko pauwi na.

Oo nga pala, may sinabi pala to'ng teacher namin na group project na ipapasa next month kaso mas mabuti daw na umpisahan namin ngayon kasi sobrang time consuming daw.

Badtrip oh.

Maglalaro pa sana ako ng LOL eh.

"Ahh. Sige ba. Saan ba bahay niyo?" tanong ko pabalik sa kanya tapos sinarado na ang zipper ng bag ko.

"Sa Montinola lang, tabi ng BPI." sabi niya.

"Ahh sige sige."

Naglakad na kami kasama ang dalawa pa naming kasama.

"Nga pala, kung nakalimutan mo, ako si Gert, eto naman si Lisa at si Kent." pakilala niya sa self niya at sa dalawa pa naming kasama.

"Uhh hi. Vincent nga pala." bati ko sa kanila.

We exchanged smiles tsaka tinahak na ang bahay ni Gert.

Pero coincidence nga naman oo.

Nakasalubong namin si Mark na may dalang plastic bag.

Imbes na ako ang mag-hi sa kanya, si Gert yung nakaunang bumati.

"Uy Mark. Kamusta? Babalik ka'ng school?" tanong nito.

"Ahh oo. Pinabili kasi ako ng prof namin sa pharmacy eh." sagot naman niya.

Mukhang hindi niya ako papansinin kasi hindi ko siya nahuling nagnanakaw ng tingin.

"Nga pala, baka hindi ako makakalaro mamaya ha. May group project kasi kaming dapat gawin eh." sabi ni Gert.

"Hala. Baka makikick ka, importante kaya ang laro mamaya. Bahala ka, ano'ng oras ba matatapos ang group project niyo?" tanong naman nitong si Mark.

Tinignan naman ni Gert ang relo nito.

"Siguro mga-7 o 8." sagot niya.

Tinignan ko naman ang phone ko.

5:00pm pa lang, so 2-3 hours kaming gagawa ng grouo project na to? Kakabored naman...

"Sige sige, 9 pa naman yung game eh. Pupuntahan nalang kita sa bahay niyo mamaya." nashock ako sa sinabi niya.

Bigla ako'ng nakisawsaw sa usapan nila.

"Di ba malayo bahay mo dito? Bakit ka ba gagasto ng pamasahe?" tanong ko dito na nagpalingon sa kanilang lahat.

"My money, tsaka ano ba'ng pakialam mo?" sagot niya completely shove me off.

"T-Teka, magkakilala kayo?" tanong ni Gert sa amin.

Hindi ba nila narealize na naOOp na ang dalawa pa naming kasama.

"Oo." Ako
"Hindi." Mark

Tumahimik sa Gert sa pagitan namin.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora