Chapter 46 - Better to Recede than Advance

75 3 0
                                    

Dominic's POV

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Dom.. Hinga nang malalim, inhale, exhale." sabi ni Mark.

I was about to pass out pero natigilan ako dahil may sumigaw. Tumigil din si Mark sa ginagawa niya.

"Cut!" sigaw nang director namin.

"Mark, get closer. Closer pa, he is about to pass out ho, closer. Alright? Again." dagdag pa niya.

Pumwesto na ulit kami ni Mark pero medyo malapit na kami sa isa't isa.

"Himatay kiss scene, take 3." sabi nang isang staff.

"Action!" sigaw nang director.
____________________________________

"Kakapagod palang maging artista noh?" tanong ni Mark sakin habang nakabreak kami.

"Sabihin mo pa." agreed ko sa sinabi niya tsaka uminom nang tubig.

We didn't spoke for a while, like almost 2 minutes dahil wala ako'ng maibring up na topic.

After kasing mangyari yung acquaintance party last week, hindi na kami nagpapansinan at nag-uusap masyado ni Mark dahil na rin siguro sa awkwardness.

Don't get me wrong, I'm still upset sa nangyari. Sa paglagay niya nang droga sa tumbler ko? That's why he's feeling guilty noon kaya siya sama nang sama kay Vincent, dahil si Centoy pala ang nakainom. Haaaaaay.

Ano nalang kaya ang nangyari kung ako yung nakainom noh? We'll wave goodbye sa trabaho ni Ma'am Cabico.

Ano pa ba'ng magagawa natin dahil natapos na? Vincent took my place and drank the water na may gamot. Nagkalat na ang video ko at ni Mark na aksidenteng naghalikan, and someone edited it at pinamukhang matagal. What more? Mabuti nalang talaga and I thought quickly noong time na yun at nirason na para yun sa film project.

Kaya nga kami nandito sa isang CR nang cinema para ishoot ang mga remaining scenes na ginawa nang movie staff. Naging instant artista pa si Mark dahil dito.

We just need to focus and accept everything na nangyari. Kahit kagagawan pa yun ni Leonny. We need to think of a plan kung paano mapapahinto to'ng si Leonny sa mga susunod niyang gagawin. Kung alam lang sana namin ang next move niya.

"Uhmmm." panimula nang topic ni Mark. Napatingin naman ako sa kaniya.

"K-kumusta si Vincent?" tanong niya na ikinataka ko.

"Hindi pa ba kayo nag-usap? Isang linggo na yun ah?"

"Hindi eh. Pagkatapos nang acquaintance, hindi na niya ako pinapansin." sabi ni Mark na ikinalungkot niya.

"Hindi mo naman siya masisisi." nasabi ko.

"Expected ni Vincent na sasabihin mo lahat sa kaniya. Vincent hates people na close niya na merong sikreto, lalong lalo na pagdating sayo. Alam mo, hindi mo nalang sana itinago sa kaniya, sa amin. Natulungan ka pa sana namin gaya nang kay Airah." dagdag ko.

"Hindi ko sinabi sa kaniya yun dahil natatakot ako'ng hiwalayan niya ako." sabi naman niya.

"Eh ano sa tingin mo ang nangyayari ngayon dahil nalaman niyang nagsinungaling ka? Naging okay ba kayo?" yan yung mga salita ko na nagpatigil sa kaniya.

"Alam ko'ng nagagawa nating magsinungaling sa mga tao'ng importante sa atin, pero that doesn't mean na mas nakakabuti yun." dagdag na sabi ko.

I placed my hand sa balikat niya.

"Wag ka'ng mag-alala. Kakausapin ko siya, sasabihin ko sa kaniya na kailangan niyo'ng mag-usap. Okay? Wag ka nang malungkot, may shoot pa tayo oh. Sayang lang make-up mo kapag iiyak ka." sabi ko trying to cheer him up.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now