Chapter 26 - Moderate Rainfall

37 5 1
                                    

Dominic's POV

Sumalpa kaagad ako sa kama ko after the night ng concert namin.

It was fun though, nakakamiss.

Hindi ko na idedeny na alam na nila Airah at Mark yung pagkatao namin, maliban nalang kay Gian na sobrang saya nung nakita niya kami.

Expected ko na yun.

Ewan ko nalang kina-Demi at Vincent kung paano nila idedeal yung nangyari since nagmessage daw sa kanila si Airah at Mark na mag-uusap daw sila after.

Kaya after nun, nagpahatid na ako kay Kuya JP sa bahay since wala akong dalang sasakyan.

Kinuha ko yung phone ko and sinorpresa ako ng napakadaming notifications galing sa sari-saring tao, pero kay Gi halos nanggaling lahat.

'Dom! Nangyari na ang araw ko!'

'Ang lalambot ng mga kamay nila tsaka mababait sila. Sobra.'

'Pinirmahan nila yung poster tsaka nagsulat din sila ng mga messages para sakin.'

'Ang saya ko. Kaya thank you. Hehehe.'

At madami pa.

Magrereply pa sana ako sa mga texts niya kaso binigo ako ng mga mata ko.

Sa sobrang pagod, hindi na ako nakapagpalit ng damit at hindi ko nakuha ang make-up sa mukha ko.

Promise, sasabihin ko na kay Gi kung sino talaga ako.

Unfair naman yun sa part niya kung hindi ko sasabihin, baka isipin niya na tinaraidor siya namin since alam na nina Airah at Mark.

Kaya hindi ko to bibiguin.

Sasabihin ko na sa kanya na gusto ko na rin siya.

________________________________

Monday 8:30am

Klase ni Sir Gonzales ngayon at syempre kinakailangan mo'ng makinig, baka ipapahiya ka pa niya sa buong klase kung mahuhuli ka niyang nagdadaydream.

"Ms. Lopez, are you listening to what I just said?" tanong nito sa isang estudyante.

Hindi nakasagot ang babae sa kanya.

"Warning ha. Icoconfiscate ko yang phone mo kung mahuhuli pa kita." dagdag niya.

See?

Sigh...

After ng class kay Sir Gonzales ay kay Prof Melinda na ang next, Sociology.

Classmate ko na dito sina Mark at Gi.

Pagpasok ko sa classroom ay walang tao, except si Mark na naglalaro sa phone niya.

Dumiretso ako sa upuan ko next to him na walang imik.

Ipinaslak ko ang earphones ko sa magkabilang tenga ko trying to avoid him kung may sasabihin siya.

This is awkward. Yes, kahit alam na ni Mark yung totoo, hindi ko pa rin maiwasang mawkward sa kanya.

Hinintay pa namin na dumating ang mga classmate namin for this class, pero after ng 15 minutes ay walang dumating.

Tinawag ako ni Mark.

Lilingon ba ako o magkukunwaring hindi ko siya narinig?

"Dom... Alam ko'ng naririnig mo ako." sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako tapos kinuha ko yung earphones sa tenga ko, tinignan ko siya.

Nagsmile siya sakin.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now