Chapter 41 - Deficit Advantage

46 3 0
                                    

Vincent's POV

"She is fine. You don't need to worry anything dahil she is doing great." sabi ni Miss Sha sa amin sa videocall.

"Still, hindi pa rin yun katanggap tanggap Miss Sha. We still need to talk to her, personally." sabi naman ni Dom.

Napabuntong hininga naman si Miss Sha dahil sa pagpilit namin.

"If that is what you want, you can go ahead and see her yourself. Call her or at least inform her na gusto niyo siyang makita. Hindi na kasi ako nakakauwi dyan dahil your management is holding me up." sabi ni Miss Sha.

"Eh Miss Sha. She is not responding, ni hindi nga niya sinasagot mga tawag namin or texts, paano namin masasabi?" tanong ni Kuya JP.

Korek din naman.

"Alright. Isesend ko sa inyo ang dalawang address niya, icheck niyo kung nandoon siya. Kung wala siya sa dalawang address na ibibigay ko, then hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Sige, isesend ko sa groupchat natin. Mauuna na ako, kailangan daw ako makita ng CEO. Take care guys." tsaka niya binaba ang call.

Tinignan ko si Dom, na kanina ay nakikisali pa siya sa usapan namin, pero may iba palang kachat.

C-Chraig Lanes? Ang manliligaw niya? Mukhang napansin ni Dom na tinitignan ko ang convo nila ng manliligaw niya kaya dali-dali niya itong tinago sakin.

"Ehem. So guys, nasend na ni Miss Sha ang mga address na pwede nating puntahan to check Maam Cabico." pagbago nang atmospehere ni Dom.

Nabaling naman ang atensyon namin sa kaniya.

"Let's go. Ako magdadrive." sabi ko tsaka tumayo na kami.

Pinaharurot ko na yung sasakyan ko sa first address na pupuntahan namin. Nasa boundary pa naman yun, kaya medyo malayo sa syudad. Kaya mas lalo ko'ng binilisan.

"Ayaw ko pa'ng mamatay Vincent. Dahan dahan lang." sabi ni Demi sa likuran habang nakahawak sa hawakan sa itaas.

Napasmile naman ako.

"Vincent, seryoso, dahan dahan lang." sabi naman ni Dom na medyo uncomfortable dahil nakahawak ito sa dibdib niya. Nabahala naman ako kaya dinahan dahan ko na ang pagmaneho.

Bawal pala sa kaniya ang mga strong emotions tulad nito. Hayy nakalimutan ko.

"S-Sorry Dom." sabi ko nalang.

"It's okay. Hindi naman seryoso." sabi niya at binalik ang atensyon sa cellphone niya.

Nagtaka naman ako dahil mukhang hook na hook na to'ng si Dom kay Chraig Lanes na to. Dahil simula pa kanina, wala na siyang nagawa kundi ang magchat sa kaniya, tapos napapangiti pa minsan.

"Hindi lang ikaw ang nakapansin Cent. Ako din." sabi ni Kuya JP na ikinagulat ko. Mindreader ba to'ng loko na to? Wala naman ako'ng nasabi ah?

"Dom, sino na naman niyang kachat mo ha? Baka manloloko na naman yan." sabi naman ni Demi.

"Wag nga kayong mga OA. Si Chraig to. Yung sinabi ko sa inyo nung nakaraan." sabi naman ni Dom.

"Ahhh yung maraming pakulong regalo? Sus, eh yung mga artista mo'ng manliligaw? Di mo sasagutin?" tanong ni Kuya JP.

"Wala sa kanila taste ko. At first of all, hindi naman nanliligaw si Chraig sakin. Magkaibigan lang kami." sabi niya na hindi naman kami mapaniwala.

"Whatever. Basta kung ano'ng mangyari, tandaan mo na hindi ka simpleng teenager. Dominic Fordrester ka. Gets mo ba?" sabi ni Kuya JP.

Napairap naman si Dom.

"Yeahhh. Whatever." sabi niya.

Hanggang sa nakarating kami sa unang address na ibinigay samin ni Miss Sha, isang resthouse ang bumungad samin.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now