Chapter 9 - Sanguine

61 6 0
                                    

Si Pineare po pala (media section), siya po si Airah ng story ko.😂😂😂

Gian's POV

Ngayon pala yung preparation para sa U-week. Paniguradong maglilinis na naman nang college ito.

Hayyyy...

Ano pa ba yung magagawa namin eh estudyante lang kami di ba?

"Gian, babalik ka pa di ba sa school niyo?" tanong ni Mama sakin habang nag-aalmusal kami.

"Opo Ma. Pero tinatamad ata ako." sabi ko sa kanya.

"Huwag mo akong ganyanin ha. Sige na, ubusin mo na yan at pumunta ka na don. Tsinelasin kita kung ayaw mo." sabi sakin ni Mama.

Wala na, mapipilitan akong pumunta.
Inubos ko na ung pagkain ko, nagsipilyo at saka na umalis.

Nag-abang paako ng jeep, siguro mga 5 minutes din. 10 minutes
yung biyahe papunta sa school, aabot ako ng sign in total 8:00am naman yun eh.

Pagkarating ko sa college namin, nakita ko kaagad yung dalawang tukmol at pumunta sa kinaroroonan nila.

Binati ko sila ng "Ohayo Gozaimasu" meaning Good morning sa japanese, ang awkward kasi para sa akin kung tatagalugin ko.

"Naka-sign in na ba kayo?"tanong ko sa kanila.

"Wala pa si Maam Andrea, antay antay lang tayo." sabi ni Airah.

Linibot naman ni Mark ang mga mata niya.

"May hinahanap ka?" tanong ko sa kaniya.

"Wala. Ang weird lang. Konti lang yung bumalik sa college natin, tignan niyo, puro classmates at batchmatss natin yung nandito, walang mga seniors." sabi ni Mark.

Tinignan ko rin ang mga tao sa paligid.

Tama nga siya, walang mga seniors na dumadating na halos 20 minutes naming pag-aantay ng sign in, timing naman at dumating si Dominic at saka yung lalaking bumangga sakin kahapon.

Tss, ngayon ko lang napansin na ang baduy pala ng porma niya. Ano bang trip nito at nakaglasses na hindi naman nababagay sa mukha niya, tsaka may bonnet na halos wala
na yung noo niya.

Weird, at nakabuntot naman siya kay Dominic ha. Si Dominic naman ay parang isang bata, ang liit, liit ng mga braso na parang babae, at saka yung legs niya siguro maputi at makinis. Yun nga lang, pareho din nang kasama niya, pormang baduy.

Pumunta sila sa kinaroroonan namin.

"Kayo palang sa section niyo?" tanong ni Dominic samin.

"Ahh, andun yung iba naming kaklase oh." turo ni Mark sa grupo ng tao na naka-upo sa bench.

"Ahh okay. Sige, punta muna kami dun. Magsisign in lang kami." sabi ni Dominic samin at ngumiti.

Ngumiti din ako sa kanya habang papaalis na sila, pero yung kasama niya, nagsmirk lang sa akin

Pweh! Akala mo kung sinong may itsura. Halatang halata naman na mas gwapo ako dun eh.

"Gi Gi, nakita mo yung kasama ni Pandak? Ang hot noh? Despite na hindi ko bet yung mukha, pero yung katawan at saka yung kakinis nung balat syet! Am-inlab." sabi ni Airah na nakamatching lagay ng kamay sa puso niya.

"Hindi ko pala alam na meron ka na palang low standards." pamaktol ni Mark sa kanya. Inirapan lang ito ni Airah.

"Wow makalow standards Mark? Gwapo ka? Gwapo? Pshhh. Sana karmahin ka at siya yung magiging jowa mo." sabi ni Airah at tinalikiran kami.

Tinignan ko naman yung dalawa na naglalakad palayo.

Bakit niya dinadala yung bag ni Dominic? Sila ba?

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now