Chapter 44 - Replicabilities

50 3 0
                                    

Demi's POV

-1 day after the Sing-Off-

Habang lumalakad ako sa corridor nang CAS building, may nakita ako'ng dalawang couple. Lameeeeeeee.

Pagpasok ko nang room sa secomd subject, nakita ko si Vincent at Mark na naglalambingan. Lameeeeeeeeee.

Nakita ko naman si Dom na chinachat si Chraig Lanes at magkikita na daw sila. Lameeeeeee.

During lunch time naman, nakita ko si Gian na sinusubuan ni Leonny. Lameeeeeeeeeee.

"Haaaaaaaay." sabi ko nalang tsaka kumain nang food ko.

"Ang haba naman nun ah? Ayos ka lang?" tanong sakin ni Kuya JP.

"Oo Kuya. Ayos lang ako. Kain ka na dyan." sabi ko nalang sa kaniya.

Tinignan lang nila ako nina Vincent, Kuya JP, Dom at Mark. Nasaan si Airah? Yan yung rason kung bakit ako sad ngayon, at yan din ang reason kung bakit binigyan ako nang POV nang author na to. Tsk. Mapagbigay nang problema talaga oo.

Nasa guidance office ngayon nang CAS si Airah dahil pinatawag siya kanina pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.

"Bogx, sorry ha. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari at ayaw ko ring matuloy yung disciplinary action, kaso alam na nang buong room eh, at alam na din nang guidance." sabi naman ni Dom.

"Hayyy ayos lang yun bogx. At least alam na natin kung bakit niya ginawa yun." sabi ko naman tapos naalala naman ang nangyari noong nakaraan.

Hindi ko na mapigilang maluha.😢

-yesterday-

Nanalo kami sa Sing-offs! Nanalo kami!

After naming mareceive ang award sa stage, nagtake na kami nang pictures. Hindi pala sinabi nang organizers na merong picture taking sa mga tao na bumili nang mga high-expensive tickets.

After natapos yung picture taking na ilang oras din ginanap. Nagsiuwian na sina Kuya JP at Dom dahil pagod na daw yung bokalista namin.

Si Vincent naman ay hinintay ni Mark at magdidinner daw sila to celebrate at makabawi si Mark sa kaniya.

Eh ako naman, hinanap ko si Airah sa mga taong papaalis, after kasing nangyari ang CCTV footage viewing kahapon, hindi na kami nag-usap kahit before performances, hindi ko na siya nakita kahit sa picture taking.

Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko at hindi naman niya sineseen ang mga messages ko. Ano ba'ng nangyayari sa kaniya? I began to feel worried.

"Dem, uwi ka na? May sasakyan ka ba? Kung wala ihahatid ka na namin." tanong nina Dianne na papasok sa sasakyan ni Gert.

"Sige ayos lang. May sundo ako eh. Salamat ha. Ingat kayo." sabi ko nalang sa kanila.

"Sige. Ingat ka din." saka sinara ang pinto nang sasakyan.

Tinawagan ko na si manong driver na sunduin ako sa university.

Para ako'ng emotional na tao sa music video na kakatapos lang nang break up. Hindi ko lang kasi nakita si Airah simula kahapon, kaya medyo sad ako. Ginalingan ko nga kanina sa performance namin dahil para yun sa kaniya, tapos hindi ko manlang siya nakita.

I began to walk the hallways of Western High. Konti nalang ang mga tao dito kaya medyo maganda ang atmosphere. The way I like it. Kinuha ko ang earphones ko, then tinugtog ang drum medley sa phone ko. Para ako'ng sira na nagaair-drums habang lumalakad palabas nang school.

Nawala nalang ang moment ko nang may nakita ako'ng dalawang pigurang nag-uusap sa isang liwanag nang hallway. Parang pamilyar yung mukha nang nakikita ko. Saan ko nga siya nakita?

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now