Chapter 13 - Si Maria

65 7 0
                                    

Dawn Zulueta (media section) as Maam Cabico 😂😂😂

Mark's POV

Tsk! Nakakabadtrip yung mga gunggong na yun oh! Hindi ba sila marunong magmove on? Eh sa maliit na bagay lang naman yun tapos hindi na kami tinantanan. Akala ko okay na kasi umagree naman sila sa last na meeting namin kasama ang President ng school namin at sa kanila. Pero tignan niyo ngayon mga pre, ilang days na ang nakalipas tapos coincidentally dito mismo ulit sa funland ay nakipaghabulan sila samin at sa kasamaang palad nadamay pa sina Demi at Dominic.

Hayyy... Panatag naman ang loob ko kasi kasama naman ni Dom yung bestfriend ko, sigurado akong hindi magpapahuli yun sa mga bobo na yun at sigurado akong hindi niya yun papabayaan. Crush ko kaya si Dominic, kaya alam niya kung paano ihahandle yun. Sure naman ako kay Gian kasi sinabi naman niya na wala siyang feelings kay Dom kaya hindi na ako magdududa kung may gusto siya sa kanya.

Nagtatago kami ngayon dito sa isang Massage Salon at ang mga tao dito sa loob ay nagtataka kung bakit kami dito sa likod ng isa sa mga massage chair.

Tinignan ko muna kung nakalagpas na ang mga humahabol samin, at nung nasigurado ko na, tsaka na kami lumabas sa kinatataguan namin.

"Uy Mark. Iwan mo nalang kami dito ni Demi. Magrerelax lang muna kami. Stress yung mga paa namin sa kakatakbo eh. Ikaw nalang ang maghanap sa dalawa, kasi parang gigive up na ako." sabi nia Airah saka hinabol yung hininga niya.

"O sige. Kayo'ng bahala ha. Dem, bantayan mo to baka kasi kung may mga gagawing loko naman ang isang to." sabi ko saka tumalikod sa kanila.

"Wow ha. Hindi naman ako bata pero salamat ha." sarcastic na sabi ni Airah sakin.

Hindi ko nalang siya pinansin at saka lumabas na ako ng salon na yun.

Tinawagan ko si Gian kung nasaan sila at sabi niya doon pa rin sila sa Funland sa may Karaoke alley. Mabuti nalang at hindi sila nahuli.

Tinignan ko muna ang paligid kung malapit pa ang mga humahabol samin at sa kasaamang palad ay nakita ko sila papasok sana sa Kenny Rogers kaso nakita ako ni Jasper, ang lider ng grupo. Tinuro niya pa ako at hudyat yun para habulin ulit ako. Puta, tumaas muli yung adrenaline ko tsaka ako tumakbo ng mabilisan.

Nung nakalayo na ang agwat ko sa kanila tsaka ako lumiko ng direksyon tsaka pumasok sa isang music store. Yamaha.

Napansin ako ng isa sa mga staff ng lugar.

"Yes po sir?" tanong niya pa sakin with smiling face.

"Pwede po bang makitago? Urgent po." sabi ko ng mabilisan.

Nagloading pa yung babae pero narealize naman niya na humahabol ako ng hininga tsaka niya ako tinago sa staff room.

"Basta sir sigurado kayo na hindi kayo magnanakaw ha." sabi ng staff sa akin.

"Makakaasa po kayo miss. Wala akong masamang loob. Kailangan ko lang talagang magtago sa mga taong yun." sabi ko.

Magsasalita pa sana siya ng may bumukas sa glass door ng store. Tinignan ko yung pumasok. Puta si Jasper!

Tinignan ko ng may signal yung staff at nakuha naman ang punto ko kaya tumango nalang siya sakin.

Medyo malayo ang distansya ng staff room sa entrance kaya sumisilip ako sa maliit na opening ng pinto.

"Yes po sir? May I help you?" tanong nung staff.

"May pumasok ba dito na lalaki na may suot na grey tshirt at nakawhite na pantalon?" tanong ni Jasper na parang kakainin niya ang staff.

"Uhmmm.. Sorry po, hindi ko po napansin eh. Marami po kasing customers earlier." pagsisinungaling ng staff sa kanya.

Thank you po ate. Huhuhu

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now