Chapter 14 - The Gelato Love Story

60 6 0
                                    

Mark's POV

Awkward...

Super awkward...

Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon.

Pagkatapos gawin ni Vincent yun, kinaladkad kami ni Ate Maria sa isang Ice cream shop dito sa mall, ang Buon Gelato.

Umuupo kami sa isang table na mayroong dalawang sofa. Si Vincent at si Ate Maria ang umuupo sa kabilang sofa na nakatalikod sa counter while okupado ko naman ang kabilang upuan.

Crossed arms ngayon si Ate Maria while tinititigan kami ni Vincent na parang inaanalisa kami. Doon na ako naging uncomfortable.

Hindi ko naman matignan si Vincent kasi ang awkward mga pre. Ikaw ba naman hahalikan niya na walang paalam tapos may nakakita pa sa inyo. Omygad *face palm* nakakahiya😣😣😣😣

Teka.

Bakit ako pa to'ng nahihiya? Di ba biktima ako dito? Bakit ako pa yung nag aalala ng moment na yun? Unfair naman ata. Tama, tama. Dapat si Vincent yung mahiya saming dalawa kasi siya yung nagkiss forcefully di ba?

Forcefully na hindi man lang ako lumaban?

Aish! Bakit kasi hindi ko nalang siya sinuntok kanina?! O kahit any sign of resistance. Ang bobo mo Mark. Ang bobo bobo mo.

Baka iniisip ni Ate Maria na ginusto ko yun? Omygad. No no no no. Parang ako yung nasa hotseat ngayon. Ano ba sasabihin ko?

At bakit tahimik lang to'ng si Vincent na to. Kahit sorry man lang wala akong narinig sa kanya mga dre. Ang kapal ng mukha nito, akala mo sinong gwapo. Tsk. Eh mas gwapo kaya ako sa kanya.😡

Kailangan ko ng umalis dito. Huhuhu😭😭😭 nakakasulasok ang ganitong sitwasyon mga dre.

"Uhmm...." ang nasabi ko sa gitna ng silence.

"Wag. Kailangan ko kayong makausap. Stay." sabi ni Ate Maria habang nakapoker face.

Shiya! Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Kailan pa Vincent?" tanong ni Ate Maria sa kanya at binaling tingin niya kay Vincent.

"..." hindi siya sumagot at nakasandal lamang ang ulo nito dingding ng Gelato.

Ngayon may lakas akong titigan siya. Tumitingin siya sa ibabaw na direksyon. Hindi niya man lang narinig ang tanong na yun?

Kumurap siya at ngayon tinititigan niya ako.

I'm quick to respond sa mga titig niya.

Awkward paksyet!

Kinuha ko nalang ang phone ko saka tatawagan sana sina Airah na puntahan ako dito.

Makailang rings yung phone niya pero hindi siya sumasagot. Escape plan 1, failed.

"Sasagot ba kayo o ako na mismo ang makakaalam at isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo?" warning ni Ate Maria.

Pero teka, bakit pati ako? Ano ba ang isasagot ko?

Wala namang namamagitan saming dalawa ah?

Bakit feeling ko ako to'ng guilty?

Lumingon si Vincent sa direksyon ni Ate Maria.

Nagkatinginan sila.

"Uulitin ko ang tanong. Kailan pa Vincent?" tanong sa kanya ni Ate Maria.

Tahimik lang si Vincent ng ilang segundo pero sumagot na siya sa kanya.

"Is it important? Bakit?" tanong niya pabalik tsaka niya hiniga ang ulo niya sa nakatukod niyang kamay.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now