Chapter 32 - Inversion

49 4 0
                                    

Mark's POV

Ginising ako ng alarm ko saktong 9:30am. Tamang tama sa pasok ko na 10:30am. Hindi na ako nagpabagal ng kilos kasi alam ko na traffic papuntang school.

"Mark! may naghihintay sayo!" sigaw ni Mama sa baba.

Rinig ko kahit nasa CR ako, at sigurado ako na rinig din yun ng kabilang baranggay.

Pagkatapos ko'ng maligo ay agad na akong dumiretso sa baba para umalis.

" Oh? Hindi ka manlang ba kakain? Magtatanghali na ah?" tanong ni Mama habang nagzuzumba.

May pinapanood kasi siyang zumba video sa TV.

"Hindi na po. Sa school nalang ako kakain Ma." sabi ko tapos kumuha ng Chuckie sa ref.

"Ikaw Ma? Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Hm. Tinatamad akong pumasok." sabi niya.

"Hala. Naging editor in chief lang, naging tamad na siya. Una na ako Ma, bye." sabi ko sabay walk out sa bahay.

Pagsara ko ng gate, dumiretso kaagad ako sa sasakyan ni Vincent.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko tapos sinuot ang seatbelt.

"Hindi naman. Ang bilis mo nga compared sa usual eh." sabi niya.

"Utot mo. Sige na, baka traffic mamaya. Malate pa tayo."

Nag-umpisa ng magmaneho si Vincent while pinaandar ko naman ang radio ng sasakyan.

Naging routine na ni Vincent na sunduin ako everyday sa bahay, tapos nasanay naman ako. Ayaw niya kasing nakipagsiksikan ako sa jeep dahil baka daw may magchachansing sakin.

Qaqu. Ano ako babae?

"Siya nga pala. Saan tayo bukas? Free ka ba?" tanong niya habang nakatingin sa kalsada.

"Hmmm.Siguro may laro kami bukas ni Gi eh. Bakit pala?"

"Wala naman. Yayayain sana kitang magdate. It's been a while na hindi tayo lumalabas." sabi niya in a sad tone.

"Ows? Lumalabas naman tayo ah?"

"Yung tayong dalawa lang? Lumalabas naman tayo tapos kasama yung tropa natin. Sige na mahal, labas naman tayo bukas, pleaseeee." sabi niya, this time nakuha niya pang mag-pout.

"Akala mo ba ikinacute mo yan?" tanong ko.

Agad naman niyang inayos ang mukha niya.

Hehehe, sobrang cute pota.

"Oo na oo na. Basta lunch lang siguro ako onwards available ha, matagal tagal din kasi kaming hindi nakapaglaro ni Gian eh. Tsaka may pag-uusapan kami." sabi ko.

"Pag-uusapan? About?"

"I dont know, maybe about sa life niya, sa life natin, kay Dom, kay Leonny na hitad."

"Ahh okay. Tatawagan kita bukas 11am ha, para saktong lunch time." sabi niya.

"12nn nalang, baka 11 kami matatapos eh."

"Okay boss."

Huminto na ang sasakyan niya sa parking lot ng school. Tamang tama ang dating namin dahil may 30 minutes pa bago magstart ang first class.

"Breakfast muna tayo?" yaya niya.

"Sure. Gutom na din ako e." sabi ko honestly.

*canteen

"Umupo ka nalang, ako na ang bibili." si Vincent.

Tumango lang ako sa kanya tsaka humanap na ng table para samin.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang