Chapter 2 - Enigma

167 8 1
                                    

Si Min Thitipat po pala (media section), siya po ang Dominic sa story ko. Hahaha😂😂😂

Dominic's POV

"At may gana ka pa palang pumasok sa klase ko?" tanong ni Sir Gonzales na teacher namin sa umpisa palang ng klase.

"May reason naman po ako kung bakit ako umabsent eh." sagot ko saka inaayos ang glasses ko.

"At ano naman yun?" tanong niya pabalik.

Sheyt, asan ka na Miss Sharmaine? Need ko na help mo please.

"M-May tao po'ng kakausap sa inyo, pwede po ba nating antayin?" sagot ko na patanong.

"Excuse me Mr. Palma, pero di ako'ng marunong mag-anta-" at biglang bumukas ang pintuan ng classroom, timing Miss Sharmaine.

Teka bakit naka-lab gown to? Tsaka nakashades pa siya ha.

"Ay, excuse me po, sorry po, hindi ako kumatok." pacute na sabi ni Miss Sharmaine.

Sir Ginzales looked at her for a moment pero nagsalita rin.

" O-Okay lang, s-sino ka po miss?" tanong ni Sir Gonzales na pautal.

"Ahh, how rude of me, ako si Dra. Sharmaine Montero, doctor po ni Mr. Palma." sabi niya sa buong klase sabay punta kay Sir Gonzales sa unahan ng klase.

" Doktora? Nagkasakit si Mr. Palma for these past months?" tanong ni Sir Gonzales tsaka ako tinignan.

"Unfortunately, yes po. Heto po ang health report ni Mr. Palma, at pinapakita dito na he is a victim of hestopiomosis, or sakit sa lungs."

Ano daw? As far as I know wala namang sakit na ganoon.

(a/n: Wala po talagang sakit na hestopiomosis, hehe.:D)

Binigay ni Miss Sharmaine ang brown envelop kay Sir Gonzales.

Binasa naman ni Sir Gonzales ang nasa loob nang envelop while glancing at me.

" Ummm, excuse me Sir..." tawag ni Miss Sharmaine kay Sir Gonzales na binabasa pa rin ang health report ko kuno.

"Ahhh... I apologize." sabi niya tapos ibinalik sa loob ang papel.

Nakakahiya pala na ako ang nasa spotlight sa ganitong klaseng rason. Jusqo.

"If this is the case, then I'll just have to excuse Mr. Palma for these past months due to his illness. However, he will take their midterm exams together with the other students." sabi ni Sir Gonzales na ikinaagree naman namin.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Miss Sharmaine at nagthumbs up nang patago.

Pero nung narealize namin ang sitwasyon namin ngayon, inexcuse na ni Miss Sha ang presensya palabas.

Pagsara palang nang room, rinig ko kaagad ang mga bulung-bulungan nang mga tao sa room kung saan nakaseat in lang ako.

"Mukhang familiar nang mukha nang doctor no?"

"Ang ganda niya grabi."

"Parang nakita ko na siya sa TV."

"Hindi kaya..."

Rinig ko sa background kaso tumigil lang ito nang nagclear throat si Sir Gonzales para kunin ang atensyon namin.

Agad naman silang tumahimik.

Tinignan ako ni Sir Gonzales.

"You heard me, Mr. Palma. And I guess you're issue is resolved?" tanong niya sakin.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now