Chapter 37 - Implicit

62 3 0
                                    

Vincent's POV

Katahimikan ang nasa kwarto ngayon dahil sa binabasang headlines ng grupo.

"So it's true, mayaman talaga to'ng Leonny and her family." sabi ni Dom.

"Yes. They hold the Marejo Car Business Corp which is the biggest car spare parts company in the Philippines. They run as 2nd sa listahan, of course, with the Fordrester coming as first." explain ni Miss Sha.

Nandito lang naman kami sa basement nina Dom, talking about things.

Maybe it's a big deal now dahil mukhang seryoso na to'ng problema.

Wala naman kaming malaking ambag ngayon nina Kuya JP at Demi, dahil puro mga tenga lang kami para maintindihan kung ano pang impormasyon ang kailangan ni Dom.

Nasa digmaan ngayon si Dom against Leonny, and were his bestfriends, so support is important.

"I also did some research regarding this Leonny, and I think the heart problem is not a university news at all..." sabi ni Miss Sha.

Doon na pumintig ang mga tenga namin.

"What do you mean?" sabi ni Dom tsaka kinuha ang tablet sa kamay ni Miss Sha.

Tinignan niya yung nasa tablet habang dikit yung mga kilay niya.

"A newspaper company released an issue regarding sa malubhang sakit 'kuno' sa heart nitong Leonny a year ago, and it also stated that her life falls to measurable by months to 3 years..." dagdag ni Miss Sha.

"...however, her health reports sa isang pribadong hospital tells it otherwise. She's healthy and no signs of illnesses." pagtapos ni Miss Sha.

Lumapit na kaming tatlo sa pwesto ni Dom para makiusyoso sa tinitignan niyang impormasyon sa tablet.

"Eh paano mo naman nakuha yung health report Miss Sha? I heard private hospitals has strict security for their patients." tanong ni Demi.

"I have ways and I suggest let's not talk about it, okay?" sagot niya sa amin.

Ibang bagay naman pumasok sa isip namin ni Kuya JP that made us look each other.

"Hindi ibig sabihin nun pokpok na ako Vincent at John Paul. Uunahan ko na kayo sa iniisip niyo." sabi ni Miss Sha sa amin dahil nanotice niya na nagkatinginan kaming dalawa.

Tumawa naman ang dalawa pa naming kasama sa narinig.

Nireview nila Dom yung mga nakasulat sa tablet.

"So, ano na ang gagawin natin?" tanong ko sa kanila.

"Nothing." sabi ni Dom.

Seryoso ba to? Akala ko ba nasa gyera to?

"You don't intend to crush her to the ground?" tanong naman ni Demi.

"No! Baliw ka ba? Why should I? First of all, bakit naman ako makikipagkompetensiya sa isang fraud na babae? I will not stoop to her level." sagot niya kay Demi.

"So what's the point of gathering these infos?" this time si Miss Sha na yung nagtanong.

"I just need something for my last resort. And that doesn't mean na gagamitin ko kaagad yun without further measures. And additionally, the person who should be careful is not me. Gian should." sabi ni Dom tapos linapag ang tablet sa mesa.

Umupo muna siya sa sofa ng basement nila at pinatong ang mga paa niya sa center table.

"Dom, you tried, and his friends tried to warn him with regards to this problem. Choice na niya yun kung papaniwalaan ka ba o hindi. And you already knew the answer kung sino ang pinaniwalaan niya." sabi ni Demi that caused silence to win sa loob ng room.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now