Chapter 15 - Repose Package

70 5 0
                                    

Demi's POV

Iniwan kami ni Mark dito sa Malia's Spa and Salon dahil pagod na kakatakbo si Airah, e wala naman ako'ng choice kundi sumunod dito sa kanya. Ahahaha para-paraan din mga tol. Oo nga pala, sa mga hindi nakakaalam, crush ko po si Airah.❤❤❤

Trust me, gusto ko ding hanapin at puntahan si Dom nuh, pero kailangan ako ni Airah ngayon eh. Wow ha, ang hangin mo Demi.

And besides, kasama naman niya si Gian, so I don't have worries.

So kung crush mo susunod at susunod ka sa kanya right? Kaya nga nandito ako ngayon kasama si Airah para naman may enough time kami together. Flirt.

Kumuha si Airah ng Repose Package ng Salon: Manicure, Pedicure, Rebond, tsaka Whole Body Massage. Wala namang problema sakin kung ano pa yung kukunin niyang package eh, kaso gusto niya dalawa daw kaming kumuha.

What the hell?

Aanhin ko ba yang Repose package na yan? Wala naman ako'ng pinapagandahan at di ba, disguise nga dapat kami, paano kung mabuking ako dito?

Iniinsist talaga niya na pareho daw kaming magpaganda para fair naman daw sa isa't isa. Eh ang tanong, kakailangan ko ba yan? Eh siya lang naman ang gusto ko di ba? Hahaha.

"Dems, ano ka ba, para din to sayo noh. Uhmm miss, dalawang Repose Package po for us please. Final na po." sabi ni Airah.

Mga ilang minuto din kami dito sa harapan ng counter kakatalo at sigurado akong naiinip na yung kahera samin.

"Manang, wag po. Air, ano ka ba? Hindi ko talaga gusto yang rebond rebond na yan eh. Eto nalang, para matapos na, kunin mo nalang yung repose package while kukunin ko nalang yung Whole Body massage, ok? Yan na po yung final." sabi ko kay Airah tsaka sa counter.

"Ok po. Isang Repose Package at isang Whole Body Massage. Maam, ie-escort lang po kayo ng mga staff namin in 5 minutes, please maupo muna kayo sa waiting area po. Thank you. Eto po'ng number ninyo." sabi nung isang staff sa amin at kinuha ko na yung number.

"Bahala ka Dems. Sinasabi ko talaga sayo, ayaw mo'ng makinig." sabi niya at umupo sa isang sofa ng salon.

"Sabi ko naman sayo di ba? Hindi ko talaga gusto yung rebond baka kasi papagalitan ako ng parents ko, hindi pa naman sila nainformed." sabi ko.

Lie. Sila Mommy at Daddy pa nga yung nag-uudyok sakin na magpaganda daw baka sakaling may manliligaw o may liligawan ako.

Oo. Tama kayo. Lesbo po ako, hindi crossdresser, hindi pumoporma na pang lalaki pero boyish po yung aura ko. Hindi ko pa sinasabi to sa publiko dahil sensitive yung ganitong topic lalo na sa amin.

"Bakit ba? Tomboy ka no?" tanong ni Airah na parang nambibiro.

Sinagot ko naman ito ng-

"Oo." at tinignan niya ako.

Shit. Bakit ba ako umamin? Paano na ngayon? Paano kung mandidiri siya sakin?

Hindi ako makatingin sa kanya sa sinabi ko. I got uncomfortable katabi siya baka lalayasan at iiwan niya ako dito?

"Hala? Seryoso?" tanong niya sa akin pero hindi ko talaga siya matignan.

Tumango na lang ako.

R.I.P Demi Grace Fernandez, you will be missed. Magpa-alam ka na kay Airah kasi any minute now sasampalin ka na niya at ayaw na niya sayo.

Napapikit nalang ako.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Hoy. Ano ka ba? Ok lang no. Bakit parang iiyak ka? Hahahaha, napakaseryoso mo naman." sabi niya at niyuyugyog ako.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now