Chapter 40 - Retort of Perspective

49 3 0
                                    

Gian's POV

-1 year ago

"Ma! Wag niyo naman to gawin sakin." medyo galit ko'ng sabi kay Mama pagkatapos naming mag-usap tungkol sa pakikipagbalikan ko kay Leonny.

"Anak, alam ko'ng labag sa loob mo ang bagay na to pero malaki ang utang na loob natin sa kanila. Sige na, gawin mo to sa Papa mo please?" ang sabi naman niya.

Ayan na. Basta kung ilalagay niya na si Papa sa mga bagay na hindi ko gustong gawin. Mapapa-oo talaga ako.

"Whatever." sabi ko nalang tsaka nilock ang kwarto ko.

"Gian, gawin mo to para makauwi na si Papa mo agad. Please anak. Sana maintindihan mo rin." saka na siya bumaba sa hagdan.

Eh pano naman ako? Ang feelings ko? Si Dom?

Hindi ako nakatulog pagkatapos nun, buong gabi ko talaga pinag-isipan ang problemang to.
______________________________

Narinig ko nalang na biglang kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko.

"Gian. Pinapapunta ka ni Leonny sa bahay nila. Magpapatulong daw sa project niya. Gising na." sabi niya tsaka bumaba.

Umupo muna ako at nag inat saglit. Alam ko naman na papapuntahin ako don. Nagtext din siya sakin.

Wala namang event sa school ngayon at lalong walang pasok kaya pupunta na ako.

I fixed myself hinalikan ang poster ni Dominic Fordrester na may hawak na gitara bago umalis nang bahay.

Pagdating sa mansion nila Leonny. Sinalubong kaagad ako ng Daddy niya na nagkakape at nagbabasa sa tablet nito.

"Oy. Goodmorning Gian. Nandon si Leonny sa loob ng kwarto niya. Magpapatulong ng gawain sa school. Alam mo naman kung saan ang kwarto niya di ba o gusto mo ihatid na kita?" sambit sakin ni Tito pagpasok palang ng balkonahe nila.

"Okay lang po tito. Alam ko naman kung nasaan. Thank you po." sabi ko nalang tsaka na pumasok sa loob.

Isang nakakabinging rock music ang bumungad sakin pagbukas ng pinto ng bahay. Mga maids ang nagpapatugtog habang naglilinis.

I bet Octave band ang kumanta ng kantang to dahil sa rhythm at lyrics na pangextraterrestrial.

Ang Octave band ay pumapangalawa sa MWAM sa music industry at sa global rankings of music, at nung nadisband ang MWAM, sila na yung nangunguna. Okay naman to'ng banda na to kaso hindi ko lang talaga type music nila. MWAM is still the best.

Pumunta na ako sa kwarto ni Leonny, kumatok nang ilang beses, pero expected na hindi niya maririnig dahil sa lakas ng music. Pinihit ko nalang ng kusa ang doorknob at pumasok na.

Walang tao sa loob. Baka bumaba at kumuha ng pagkain. Kaya hihintayin ko nalang siya dito. Rinig na rinig ko pa ang music sa labas. Hayst.

Umupo muna ako sa sofa ng kwarto niya at nilibot ng mata ko ang loob ng room.

Ilang minuto pa ay naglaro ako ng 2048 sa phone ko habang naghihintay, ilang saglit pa ay lumabas si Leonny galing CR ng kwarto niya. Nakatapis nang tuwalya lang siya ngayon kaya medyo nabigla ako.

"Uhmm. S-Sorry. Labas muna ako ha." sabi ko at akmang tatayo.

"Wag na. Hahaha. Parang hindi naman tayo magjowa niyan." sabi niya tsaka ako pinabalik ng upo sa sofa.

Umupo naman siya sa kabilang side ko tsaka nagcellphone din.

"Uhh Hindi ka pa ba magbibihis? Akala ko ba tutulungan kita sa project mo?" tanong ko sa kaniya. Sobrang hindi ako komportable ngayon.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now