Chapter 5 - Unanticipated

88 6 0
                                    

Dominic's POV

"Shhhh, wag kang maingay, andyan pa sila, baka marinig ka, patay ako." sabi nang boses.

Teka, Gian? What the hell? Bakit?

Pumipiglas ako ng marahan kaso matindi yung kapit niya sakin at parang mapipiga na yung mukha ko sa kamay niya. Hindi ako makahinga shit!

I'm making strange noises para makawala sa kanya.

" Wag ka ngang ano. Manahimik ka muna." sabi niya sa tenga ko.

Ilang sandali pa ay parang may naramdaman akong may pumasok sa loob ng music room, footsteps, parang 2 yung lumalakad lakad sa loob. Napahinto ako sa paggalaw.

"Sigurado ka ba'ng dito sila pumunta? Parang wala eh." sabi nung isang pumasok.

"Mabuti kung ichecheck nalang natin para sigurado." sabi naman ng isa.

Linibot nila yung loob, narinig ko pa na parang mino-move nila yung piano, akala nila siguro doon kami sa likuran ng instrumento.

Ngunit, naramdaman ko nalang na parang papalapit na sila sa kinaroroonan namin. Naging mas mahigpit yung kapit ni Gian sa mukha ko. Tangina, ang sakit naman.

Ano ba to'ng pinasok niya?
Kinuha ko yung nakatakip niyang kamay sa mukha ko ng pwersahan at saka ko nalang ginaya yung tunog ng daga. Magaling ako sa mga sounds at tunog nang mga hayop, kaya madali lang to.

"Shit! Tol, may mga daga ata dito, alis na tayo." sabi ng isa sa kanila.

"Salamat naman at sinabi mo yan, hanapin na natin yung ibang kasamahan natin, napakabaho kasi ng mga ihi ng paniki dito eh." sabi nung isa.

Hindi kami kumibo ni Gian hanggang umalis na sila at sinara yung pintuan ng music room.

Lumabas na ako ng stock room at saka--

"Hayyyy!!! Makahawak ka sa mukha ko para ako'ng stressball ah? Ang init shit!" sabi ko.

"Wag ka ngang sumigaw! Baka andyan pa sila at balikan tayo dito." sabi niya na parang bulong lang pero maririnig naman.

Napamudlat naman ang mata ko sa narinig.

"Tayo? At kailan pa ako sumali sa gulong pinasok mo ha? Teka, at bakit ako nadamay dito?" tanong ko sa kanya.

"Blah blah blah, kaliit mo'ng tao pero ang ingay ingay mo. Hindi ba naiinis mga kaibigan mo sayo? Napakadaldal mo eh." sabi niya sa akin saka tumungo sa pinto.

"Blessing to'ng baba ko, kundi dahil dito nahuli ka na tukmol. At salamaaaat naman talaga aalis ka ding pahamak ka." sabi ko saka umupo sa bangko ng piano completely ignored him.

"Sure." rinig ko pa'ng sabi niya.

Ilang segundo pa ang nakaraan pero hindi parin lumalabas si Gian, ano na naman ba'ng trip nito? Napikon na naman ba siya?

Tinignan ko ang direksyon niya at nakita ko na sinusubukan niyang buksan yung pinto.

Napalaki muli ang mata ko.

Don't tell me...

"Puta! Ni-lock nila yung pinto!" sigaw niya.

Huh?! Are you kidding me?! May pasok ako 2:00pm, hindi pwede!

"No! No way! Tabi ka nga!" sabi ko sa kanya at sinubukan ko ring buksan yung pinto kaso lock talaga siya.

"No no no no!" sabi ko nalang saka sinipa-sipa yung pinto.

"Sige, sipain mo pa, kung masira yan ikaw lang din naman yung magbabayad niyan." jerk niyang sabi sakin saka umupo sa gilid ng pinto.

To tell you the truth, kahit buong building pa to'ng sisirain ko. Makakaya ko namang bayaran.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz