Chapter 27 - Unwind

59 4 0
                                    

Dominic's POV

"Huh? Dapat sinabi mo na kaagad sa kanya na nililigawan ka ni Gian. Eh bakit hindi ka nagsalita?" tanong sakin ni Lucas habang kumakain kami sa Kenny Rogers.

"Eh hindi ko nga nasabi kasi panay naman ang landi nung isa sa kanya. Naconsume na ako ng galit tsaka disappointment." sabi ko tsaka kinain ang roasted chicken.

"Dinefend ka ba ni Gian?" tanong niya ulit.

Umiling ako.

Napabuntong hininga ito'ng si Lucas sa kwento ko.

"Ano? Gugulpihin ko na ba ulit to'ng si Gian? Sabihin mo lang, ako'ng bahala sa kanya."

Sabi naman ni Jasper.

Yes. Kasama namin si Jasper ngayon.

Bakit?

Matagal na kasi ang insidenteng yun, mga buwan na ang nakakalipas matapos ang Funland incident, mga buwan na ding nangyari ang Secret Concert, at mga buwan na din na ganito ang sitwasyon namin nina Gian.

Bakit kami naging close ni Jasper at ni Lucas?

Here's why,

Ang Papa ni Jasper was falsely accused sa isang smuggle, yung company nila is failing, or should I say sunk.

Kaya tumestigo ito'ng si Papa sa insidenteng yun kasi doon siya or may alam siya sa mga pangyayari, and napatunayan na walang kasalanan ang Papa ni Jasper.

Yung Papa ko at ang Papa ni Jasper created a friendship, ganun din sa amin ni Jasper.

Plus, tinulungan ni Mama ang company nila para maisalba ito, and it was bought by my mother's, pero binigay nito ang full-authority sa Papa ni Jasper.

Amazing right?

Ilang buwan na din ang lumipas nung nalaman ko'ng unti-unti ng namamatay ang puso ko, at ilang buwan na din nangyari na nakilala ko ang ex ni Gian, rather, GIRLFRIEND PA NIYA ata.

I need to unwind kaya I need people to help me do that.

"I'll take that as a yes. Gugulpihin ko si Gian." nabasag ang pagmuni-muni ko sa sinabi ni Jasper.

"No no no no. Please don't do that. Hayaan nalang natin sila." sabi ko.

"Sigurado ka ba'ng ok lang sayo?" sabi ni Lucas.

I nodded to him.

Nagtinginan lang sila ni Jasper.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain ng natitirang food sa table namin. Lumalamig na kasi, sayang.

Nung natapos na kaming kumain, nagpaalam na silang umalis kasi may pasok pa daw sila.

Napagpasyahan ko na umikot muna sa mall kasi meron pa naman ako'ng 30 minutes na vacant eh.

Sigh.

Nakakalungkot mag-isa no? Pero mas nakakalungkot yung may kasama ka nga pero feeling mo hindi mo siya kasama.

Ok na to'ng alone, nakakarelax din.

4 months na ang dumaan matapos nangyari lahat yun.

Ilang weeks nalang mageend na ang first semester namin. Ok lang ang grades ko no. Wala ako'ng problema sa mga teachers and subjects, except kay Sir Gonzales na ako palagi ang pinang-iinitan niya.

Sina Mark at Vincent naman, ay halos langgamin na dahil sa sobrang kasweetan sa isa't isa. Ganun din sina Airah at Demi.

Si Kuya JP naman, kontento na sa buhay niya. Walang arte, at walang hassle sa studies.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon