Chapter 12 - Si Lucas

63 5 0
                                    

Chapter 12 - Si Lucas

Si Tee Jaruji nga po pala (media section), siya po si Lucas sa story ko. Hahaha new character whoo!😂😂

Gian's POV

Yung lalaking nakuhaan ko ng ID sa grupong humarang samin sa school, at isa sa nakagulo namin dito mismo sa Funland. Tinitignan ako at ang kasama ko sa likod, parang may gusto siyang sabihin.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Dominic at akmang lalampasan lamang ang lalaking yun.

Nginitian niya ako kaso hindi ko ito pinansin, lumakad na kami ni Dominic para balikan yun mga gamit namin na naiwan sa mga bakanteng upuan.

"Sino ba yun? Kakilala mo ba?" tanong sa akin ni Dominic.

"Hindi ah, isa siya sa mga nanggulo at humabol saming tatlo." sagot ko kay Dominic na nagpakunot ng noo nito.

"So ano? Anong una mo'ng itatry na laro?" pagbago ko ng topic sa kanya.

Nginitian niya ako at saka sinagot

"Yung gitara-gitara na yun oh." turo niya sa area ng Guitar Hero.

"Sige, sige. Halika na." hinatak ko na naman siya papunta doon.

"So obviously, walang strings to at tanging apat na colorful buttons sa fretboard at saka strumming lang ang concept ng game. Pareho din ng gitara kaso eto pipindutin mo lang yung mga kulay na ipapalabas sa screen tapos istrum mo lang siya at dapat timing sa intervals na ibibigay." paliwanag ko sa kanya. Mukhang nagets naman niya at parang excited na siya.

Dalawa yung guitar dito kaya pareho kaming naglaro.

Sa isang subok palang ni Dom ay parang expert na siya, at kitang kita mo sa mukha niya ang saya at saka fulfillment.

"Paano ba yan? Mukhang expert ka na dito ah? Duel tayo?" yaya ko sa kanya.

"Hala. Hindi ko naman matatalo yung teacher ko dito. Sigurado naman akong mabebeat mo ako eh. Wala akong laban." sabi niya naman sakin.

"Sige na. Pahumble ka pa. Pipili na ako ng kanta dito ha." sabi ko nalang saka nagscroll kung ano ang lalaruin namin.

Aha! Sa Expert level nalang ako kukuha. Hehehehe *evil laugh*

"Ayan na. Ready ka na ha. Ang matatalo, manlilibre ng ice cream." sabi ko at nagpress na ng start.

"Game." sabi naman niya.

Sorry Dominic, pero parang gusto ko'ng mag ice cream ngayon eh. Sorry talaga.

Nasa katapusan na kami ng laro at confident na confident ako ang winner.

"Paano ba yan? Hahaha Manglilibr-" naputol yung sasabihin ko ng makita ko ang score niya at score ko.

Dominic - 30, 589
Gian - 28, 565

Napanganga na lamang ako.

"P-Paano nangyari yun?" tanong ko sa screen ng Guitar Hero.

"Hahahaha. Ano nga ulit yun? Manglilibre ng ice cream ang talo?" insulto niya sa akin na nakangiti.

"Oo na, oo na. Hindi naman ako nagbaback out sa mga sinasabi ko eh. Ano bang gusto mo'ng flavor? " tanong ko sa kanya.

"Hmmmmm, sa totoo lang, wala pa akong gana kumain ng ice cream ngayon eh." sabi niya lang sakin.

Bahala ka na nga. Ikaw na nga to'ng nanalo.

Pero somehow, nakita ko naman siyang nakangiti. I like it.

"Namumula ang pisngi mo Gi, may lagnat ka ba o masakit yung ulo mo?" tanong niya sakin. Ha? Namumula ang pisngi ko? Shit! Namumula ako, bakit ba?!

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now