Chapter 36 - Dubious

71 3 0
                                    

Dominic's POV

First day of school of our 2nd year in college is not that different noong first year namin.

I presume, wala pang magaganap unless sa kalagitnaan ng school year. I know.

I thank the heavens kasi magkaklase kami ngayon ng tropa.

All of them. Literally.

Vincent, Mark, Airah, Demi, Kuya JP, Kwon, at tsaka si Gian.

Same din yung mga classmates namin last year, pero mukhang boring naman kung ieenumerate ko pa silang lahat di ba? Baka maabutan tayo ng Bandila kung isa-isahin ko pa sila.

"Hi Dom, good morning. Ang aga mo ah?" sabi ni Mr. Osano nung pumasok siya sa room ng first class namin.

Well, tama nga naman siya, it's too early, 6:40am.

"Oo nga eh, 7:00am kasi yung class time, ayoko namang malate baka mapagalitan naman ako." sabi ko.

"Grabe hahaha, pagalitan agad? First day palang, don't worry, wala pa namang masyadong ganap ngayon eh. Siguro mag-eelect lang ng bagong set of officers." sabi niya tapos linagay ang bag niya sa upuan ng first column.

"Ahh ganun ba..." yun lang yung nasabi ko dahil nagring yung cellphone niya.

Bumalik naman ako sa business na ginagawa ko. Scrolling my instagram feed.

*messenger message tone

Napakunot ang noo ko sa nakita.

Si Chraig.

'Good morning!'

'Good morning din. Ang aga mo ata ah?' sabi ko.

'Ikaw nga din eh. Ang aga mo ata pumasok?' tanong niya.

Linapit ko naman yung mata ko sa screen ng phone ko kung baka namamalikmata lang ako.

'Nang-iistalk ka no? Paano mo nalaman?'

'Luhh? Nakita lang kita sa room niyo kanina nung dumaan ako.'

Tumayo naman ako at tinignan sa labas kung meron ngang dumaan.

'Wag mo nang icheck, nasa room na ako. Hahaha'

Teka, manghuhula ba ang lokong to?

'Ge. Chat you later, nandito na kasi prof namin eh.' dagdag niya.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagsoscroll sa instagram ko.

Ilang minuto pa ay dumami na ang mga tao sa loob ng room namin.

"Fancy knowing na magkaklase pa rin tayo, fag." sabi ng isang boses sa side ko.

Si Sydney, with her 3 alipores. Wow, nagreproduce ata sila?

Nginitian ko lang siya then diverted my attention back to my phone. Ayokong magsalita sa kaniya no, baka matuklaw kasi ako eh. Wala pa ako'ng anti-rabies na dala.

"Wow. Himala at nauna ka samin Dom. Anong nangyari?" sabi ni Demi nung nakapasok sila ni Airah sa room.

"Hahahaha, baliw. Wala naman, trip ko lang talaga na maagang pumasok." sabi ko sa kanila.

Umupo si Demi at Airah sa dalawang silya sa left side ko.

Hindi na nila ako pinansin kasi gumawa na sila ng sarili nilang mundo, of course, as usual, ignoring my presence.

Hays. Whatever.

Hihintayin ko nalang na dumating dito yung boyfriend ko.

Ehem!

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Where stories live. Discover now