Chapter Twenty: File

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayokong dumating 'yung araw na mahuhulog ako ng sobra sa kanya at ako na mismo ang sisira sa sarili kong katawan at sa isipan ko.

Trojan is addicting. At hindi ko gugustong maadik sa kanya kung hindi ko naman talaga alam kung ano ba dapat ang itawag ko sa kanya at kung ano ba kami.

Oo, sinabi na niya sa akin na babae niya lang ako. Pero paano naman ako? Ano ko siya? Saan ba ako dapat tumayo sa buhay niya?

"We'll talk about your offer, Eila."

Nagulat at bigla akong napasinghap nang bigla na lang bumulong sa tainga ko si Trojan saka ko naramdaman ang mainit na hininga niya sa tenga ko pababasa leeg ko.

He's breathing on my neck bago siya nagpasyang lumayo mula sa akin at pumasok sa loob ng opisina niya.

My face turned in heavy shade of red saka nahihiyang napalingon kay Cassandra na busy pa rin doon sa pakikipag-usap sa kliyente namin sa kabilang linya.

But she's smiling. And she definitely see what Trojan did.

***

"Hey babe!"

Parang may pumutok na ugat nang may maramdaman na naman akong presensya sa harapan ko.

Kahit hindi ko pa iangat ang tingin ko mula sa computer na kaharap ko ngayon, alam ko naman na si Trojan na naman ang nasa may table namin ni Cassandra ngayon.

"Pwede po ba, Sir Trojan—"

"Sorry to disappoint you babe but I'm not your sweetheart."

Biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ivo sa harapan ko. Nakapatong sa ibabaw ng mesa ko 'yung mga braso niya habang nakapatong naman sa isa sa mga iyon ang baba niya at direktang nakatingin sa akin ang mga asul niyang mata.

"Yo! Been a long time since I saw your sexiness huh?" Sabi pa niya saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa sabay sumipol ng maraming beses. "Wow! Still so hot eh? How did you manage to look so hot in that boring uniform?"

"Stop harassing my employee, Ivo or else..."

Sabay kaming napalingon ni Ivo sa pinagmulan nang boses na iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Trojan na nakatayo na sa tabi namin ni Trojan.

Napatingin siya sa direksyon ko at tinapunan niya ako ng masamang tingin kaya wala sa loob na bigla akong napayuko sabay lihim na napalunok.

Mukhang hindi niya yata nagustuhan ang pakikipag-usap ko kay Ivo.

"C'mon man! Don't be too old! I'm just flirting with her! I'm not fcking her yet so don't get too mad."

"Shut the fck up and get inside!"

Narinig ko pa ang reklamo ni Ivo bago siya tinapunan ng sobrang tingin ni Trojan saka ito na ang kusang pumasok sa loob.

Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto ng opisina ni Trojan, doon lang ako nakahinga ng maluwag saka ako nag-angat ng tingin.

Pero mali pala ang ginawa ko. Dahil sa pag-angat ko ng tingin, sinalubong ako ng masama pa rin ang tingin na si Trojan Mondragon.

"Remembers what's on the contract, Eila." Mariin na sabi niya. "Follow the rules."

Hindi na niya ako hinayaan na makapagsalita pa saka niya ako tinalikuran at marahas na pinagsaran ako ng pinto.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon