26th Delusion ♡ Afraid

587 11 3
                                    

Ilang oras na din kaming naglilibot sa MOA kasama sina Brace. Itong si Ysa hindi mapakali dahil ang gwapo daw ni Brace at Kuya Edward. Hindi din nahiwalay sa akin si Brace. Lagi siya ang katabi ko. Pansin ko ang mga irap sa akin ni Louise. Nasa isang ice cream parlor kami ngayon at bigla na lang akong kinulbit ni Ysa.

"CR tayo. Please? Kanina pa ako naiihi." Tumango na lang ako sa kanya't tumayo na.

"CR lang po kami." Paalam ko.

"I'll go with you." Nagulat ako ng biglang tumayo din si Louise. Tumango na lang ako't naglakad na kami palabas. Napansin ko ang irap ni Ysa kay Louise.

Nakarating agad kami sa isang CR at pumasok agad si Ysa sa isang cubicle. Hindi naman ako nagc-CR kaya nagsuklay na lang ako. Nagulat ako ng biglang nagsalita si Louise.

"Stay away from Brace." Tinignan ko siya't pinagtaasan ng kilay.

"Bakit naman?" Tanong ko habang tinatago ang suklay ko sa bag ko.

"Ayaw ko lang na may lumalapit na bitch sa kanila." Gusto kong umirap dahil sa sinabi niya. I guess kailangan niya din lumayo.

"Oh, pwede pa naman ako lumapit sa kanila ah? I'm not a bitch." Kibit balikat kong sagot at hinarap ko siya.

"Oh really?" Natatawa niyang sabi.

"Stay away from them or else..." Tinaasan ko ulit siya ng kilay sa sinabi niya.

"Or else?" Paghahamon ko sa kaniya.

"Papatalsikin kita sa fandom." Natawa ako sa sagot niya.

"You can't do that, Louise." Iling ko.

"Try me." Mayabang niyang sagot.

"Walang makakapigil sa aking lapitan sila. I can't give up my happiness this time. Matagal ko ng inintay itong makasama sila and I won't let anyone ruin my happiness." Ngisi ko sa kanya't tinalikuran ko na siya dahil lumabas na ng cubicle si Ysa.

Pagbalik namin sa ice cream parlor ay halatang halata ang pagkainis sa akin ni Louise. Si Brace kasi mismo ang tumabi sa akin. Muli pa niyang nilapit ang upuan ko sa kanya at inakbayan ako.

"Na-miss agad kita." Bulong niya ng sobrang lapit sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Tumayo lahat ng balhibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam.

"OA nito!" Tinulak ko siya ng kaonti dahil masyado siyang malapit.

"'Di mo ako na-miss?" Naka-pout niyang tanong.

"Nag-CR lang ako, Brace." Natatawa kong sagot.

"Balik ka na sa Star Magic." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Diba sa Star Horizon ka ngayon nagwo-workshop?" Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Star Magic ka na ulit please. Para lagi tayong nagkikita." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman kita nakikita last year eh." Ngumisi siya sa sinabi ko.

"At least nakikita kita." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"H-ha?" Napakagat siya sa labi niya.

"Wala wala." Natatawa niyang sagot.

"Nakapag-enroll na ako sa Star Horizon at nakapagsimula na ako." Nanghihinayang kong sagot. Kung alam ko lang na yayayain ako ni Brace na mag-workshop ulit sa Star Magic ay hindi na ako sumama kay Ysa sa Star Horizon.

"Sa 2nd Batch. Mag-2nd batch ka na lang." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Let's see." Napangiti naman siya agad sa sinabi ko.

"By the way, sasama ka sa anniversary celebration ng fandom ha?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Aabangan kita 'don." Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko na ikinagulat ko. Halos hindi na ako huminga dahil sa ginawa niya. Ilang minuto din ang tinagal namin sa ganoong posisyon.

"Nagso-solo talaga si Kuya Brace at Ate Sena." Puna ni Sacha kaya natawa ang lahat.

Busy kasi sila sa pagku-kwentuhan habang kami ni Brace ay may sariling pinaguusapan. Napatingin sa akin si Louise at nagtama ang mata namin. Inirapan niya lang ako. Nag-kwentuhan ulit sila't umupo na ng ayos si Brace saka ako hinarap.

"I want to see you, everyday. Kung pwede nga lang, every minute or every second pa eh." Seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak pero naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Pinunasan niya agad ito.

"But, I'm afraid I'll fall deeper. I'm afraid you won't believe. I'm afraid I can't have you the way I want." Namilipit bigla ang tiyan ko't nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Napapikit ako para pigilan ang mga luhang may balak na pumatak. Naramdaman ko na lang na niyakap na niya ako. He kissed my hair again and rested his head.

I'm also afraid. Takot akong hanggang dito na lang kaming dalawa. I'm afraid I can't have him because of the people I love who also love him. I'm afraid people won't believe. I'm afraid. 

Kasi hindi ako makapaniwala. Hindi ko din alam kung ano ang totoo at hindi sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano ang panaginip at realidad.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon