14th Delusion ♡ Irrepressible

563 17 2
                                    

Lalo akong nagpursigi sa pag-aaral dahil ayaw kong biguin ang mga magulang ko sa pagpayag nila na mag-workshop ako. Lagi ko na lang iniisip na para kay Brace! Naging mas masipag ako sa gawaing bahay at pilit kong pinapatunayan na wala silang dapat pagsisihan sa mga desisyon nila para sa akin.

"Kamusta na kayo ni Deiter?" Tanong ni Michelle sa akin. Magkasama kaming dalawa ngayon dito sa cafeteria dahil nag-CR si Janine at Ysa.

"Ganun pa din." Casual kong sagot.

"Gusto mo ba talaga siya?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Oo naman." Tumingin pa ako sa mga mata niya.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan?" Tanong niyang halatang naguguluhan sa aming dalawa ni Dieter.

"Ewan ko. Dapat ba babae pa ang unang lumapit sa lalaki?" Irita kong tanong.

"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon lalaki ang mauuna." Huminga ako ng malalim sa sagot niya.

"Kelan ba siya nauna? Look, for sure, kung hindi pa niya nalaman na may gusto ako sa kanya hindi pa siya aamin. Wala sanang ganito ngayon." Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Syempre naman! Maybe he don't want to get hurt. Gusto niyang kapag sinabi niyang gusto ka niya, sure siyang may patutunguhan." Napairap ako sa sagot niya.

"Then bakit niya ako nagustuhan noong hindi pa niya alam na may gusto ako sa kanya?" Hindi ko alam kung bakit ako nakikipagtalo ngayon kay Michelle.

"You can't control your feelings! Feelings are irrepressible, Sena Christine!" Halos ipagsigawan na niya. Bakit ba masyado niyang pinagtatanggol itong si Dieter?

"Bakit si Brace? You always wanted him, kahit hindi ka naman niya gusto. You always pursue him, kahit walang pinatutunguhan. You always exert effort on him, kahit hindi mo alam kung naa-appreciate ba niya or what. You always seek for his attention, kahit hindi ka naman pinapansin. Bakit si Brace, Sena?" Tumitig siya sa akin na para bang sinasadya niyang saktan ako sa bawat salitang binitawan niya.

"Bakit 'dun sa taong gusto ka hindi mo magawa 'yun lahat? Bakit hindi mo i-try na ibalik 'yung pagkagusto ni Dieter sa'yo kasi he likes you so much? Bakit hindi mo i-try na suyuin man lang siya kasi hindi ka na mahihirapan pang suyuin siya? Bakit hindi ka mag-effort sa kanya kahit alam nating sobrang maa-appreciate niya? Bakit hindi na lang kay Dieter ka magpapansin dahil for sure papansinin ka niya?" Tuloy tuloy niyang tanong. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil tama siya.

Ilang araw na ang nakalipas. Madami na akong kakilala sa fandom ni Brace sa loob ng isang taon at dalawang buwang mahigit kong pagfa-fangirl sa kanya. Madami pa din akong hindi kilala at hindi nakakakilala sa akin. Wala akong balak magpa-famous sa fandom namin tulad ng laging ginagawa ni Louise. Naghahakot lang naman yata 'yun ng followers and likers.

"Wala pa din talaga kayong planong magpansinan, 'no?" Tanong ni Michelle habang abala ako sa ginagawa kong worksheet.

"Hindi ko din alam sa kanya." Sagot ko habang patuloy pa din sa paggawa.

"Ang weird niyo na kaya." Puna ni Janine. "Kayo pero parang hindi." Dagdag niya pa.

"Hindi ko nga alam kung ano kami, eh." Mahina kong sabi.

"Tanga!" Frustrated na sabi ni Janine. "Ano ba 'yang pinasok mo, Sena Christine!"

Hindi ko din alam.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now