2nd Delusion ♡ Fangirl

1.4K 23 1
                                    

"Sena! Bilisan mo naman!" Reklamo ni Ysa, my best friend.

"Teka lang ha? Hindi ka naman tatakbuhan ng salamin sa banyo! Can't you just wait?" Kanina pa kasi siyang atat na atat na mag-CR. Magsasalamin lang naman siya dun.

"Argh! Kay Michelle na nga lang ako magpapasama! Ang bagal mo!" Muli niyang reklamo at pumunta na nga siya kay Mich.

"Sige, susunod na lang kami ni Janine sa CR!" Sabi ko sa kanya at bumaling na kay Janine na busy sa pagbabasa ng Red Queen.

Lumabas na si Mich at Ysa. Kaming dalawa na lang ni Janine ang natitira sa loob ng classroom. Pareho kaming busy sa pagbabasa. Tinuloy ko na din ang pagbabasa sa libro ko, Extraordinary Means. Ilang minuto lang ang nakalipas ay si Janine na mismo ang nagyaya sa aking puntahan na si Ysa at Mich sa CR. Kung hindi niya pa ako yayayain ay hindi ko na silang dalawa maalala.

Pagkalabas ko nang classroom namin, sakto ang pagdaan ng lalaking ilang buwan ko na ding hinahangaan. Dieter Nathaniel Jackson. He's very masculine. Mayroon din siya dimples na lumalabas sa pisngi kapag siyang nagsasalita o tuwing gumagalaw ang kanyang labi. He has this suntanned skin due to his training on his sport, football. He's one of my classmates, kaya secret lang 'yung pagkakacrush ko sa kanya.

Tuluyan na niya akong nilampasan at hindi ko pa din maalis ang tingin sa kanya. Pasalamat naman at hindi napansin ni Janine ang pagtingin ko kay Dieter.

Pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko para manggulo nang bigla akong may nakitang picture ni Brace sa twitter ko, at hindi ko na naiwasang mapasigaw. Fuck! Bakit ba ganito sa twitter? Ang hilig manggulat ng mga fina-follow ko. Bigla na lang magpo-post ng picture ni Brace.

"Ate! What the?! Bakit ka ba sumisigaw?" Reklamo ng kapatid ko pagkapasok ko sa loob.

"Si Brace 'yan, 'noh?" Nakataas kilay niyang sabi. Hindi ako umimik sa halip ay ngumisi lalo.

"Agh! Hindi naman gwapo." Bulong niya pero dahil narinig ko 'yun, dinamba ko agad siya sa kama.

"Don't you dare! Kung hindi siya gwapo, wala nang gwapo sa mundo!" Pagtatanggol ko kay Brace dito sa kapatid ko.

This has been my life for a month now. Trying to defend Brace to any possible annoying living creature.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now