8th Delusion ♡ Best

652 17 0
                                    

Literal na hindi na ako makahinga sa mga oras na ito. Nandito na ako sa mall ngayon. Kasama ko ang mommy ko. Hindi ako mapakali. Makikita ko na ulit si Brace. See? I'm not gonna let fate ruin my night. I'm not gonna let you, fate. Nagkaroon ng interruptions bago pa man dumating ang araw na ito. Muntik na din akong hindi makapunta. Sa kahuli-hulihang minuto muntik pa akong hindi makapunta.

"Sena! Sabihan mo sa manang na maghanda ng soup!" Sigaw ni Mama galing si kwarto ng isa kong kapatid. Nandito ngayon ako sa salas at nagaayos ng gamit ko para sa mall show. Tumakbo agad ako sa kusina para sabihan si Manang. Agad naman siyang naghanda ng soup. Tumakbo ako sa kwarto para sabihan si Mama.

"Nasaan ang soup?" Tanong agad ni Mama habang pinupunasan si Lyca.

"Nagluluto pa po si Manang." Sagot ko ng buong paggalang.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko ng pagaalala.

"Nagkalagnat bigla itong kapatid mo." Napapailing na sabi ni Mommy.

"P-paano na..." Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko biglang dumating si Manang.

"Ito na po ang soup." Inabot ni Manang ang soup kay Mama.

"Ma, paano na 'yung mall show?" Nagaalala kong tanong.

"Paano na itong kapatid mo?" Tanong pabalik ni Mama. Tinignan ko si Manang. Nakatingin din siya sa akin. Alam nilang lahat na gustong gusto ko si Brace.

"Ako na ang mag-aalaga sa kanya." Kusang sabi ni Manang. Lumiwanag ang mukha ko. Ilang taon na naming kasambahay si Manang Flora. I know Mommy will trust Lyca to her!

"Sigurado ka ba, Manang?" Nagalalang tanong ni Mommy.

"Oo naman. Wala naman akong masyadong gawain." Napangisi akong palihim sa sinabi ni Manang.

"Kung ganun, mag-ayos ka na, Sena." Halos napatalon ako sa saya. Not now, fate.

Napangisi ako sa pagalala sa nangyari kaninang umaga.  Nakita ko na madami na agad tao sa activity area.

"Maggo-grocery muna ako." Paalam ni Mommy sa akin.

"Sige po. Sa activity area na po ako." Humalik na ako kay Mommy at nagtungo na sa activity area. Nakita ko agad si Kate at nilapitan ko siya.

"Sena! You made it!" Niyakap niya agad ako sa galak na makita ako.

"Of course!" I hugged her too.

"I missed you!" Ngumisi ako sa kanya.

"I missed you too!" Napangisi din siya sa sagot ko.

"Andito na ang ibang Brace United Carenas. Tara na sa loob!" This time, mayroon ng ticket. At nakapasok na kami ngayon dahil lahat kami ay may ticket.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa saya ko. I'm gonna see you again!

Natanaw ko si Sacha, Jeanne at Kuya Edward sa gilid. Nilapitan namin sila ni Kate bago dumiretso sa mga fans. May connection na din kasi itong si Kate dahil admin na siya. Kinausap namin sila Kuya Edward saglit at nagpapicture na din saka kami dumiretso sa mga kasama namin.

Habang naguusap usap kami ng mga ka-fangirls ko ay biglang may tumunog na kanta ng Gimme 5. Kusang napatalon kaming lahat sa kinauupuan namin.

"Andito na sila!" Agad na sigaw ng marami. Nakisigaw na din kami. Nagsalita na ang host at pinapasok na niya ang Gimme 5.

"OMYGOSH!" Sigaw ng marami at naging wild na ang buong activity area.

"Go Brace! Go Brace!" Sigaw naming lahat dito sa part namin. Puro kami naka-green shouting Brace's name. I can't believe it. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Tears of joy! Pinunasan ko ito at pinagpatuloy ang pagvi-video sa kanila.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now