12th Delusion ♡ Eyes

572 15 2
                                    

Finally! Natuloy na din ang concert ng Gimme 5 dito sa Carenas. And guess what's the date today? January 23, 2015. 1st Anniversary. Gustong magwala ng cells ko dahil makikita ko si Brace ngayong first anniversary ko. Dumiretso ako sa concert hall dito sa Carenas kasama si Mama. Kakatapos lang ng klase ko at ang dami agad tao dito sa Carenas Concert Hall.

"Sena!" Tawag ni Kate. Pumunta agad ako sa kanya't niyakap ko siya. Hindi ako makapaniwala. Nagkita na ulit kami.

"Happy 1st Anniversary, Sena!" Bati niya sa akin.

"Thank you, Kate!" Ngiti ko sa kanya.

"Hi, Tita!" Bati ni Kate kay Mama. Binati na lang din siya ni Mama.

"Tara na sa loob. Nandiyan na ang mga fans ni Brace." Hinila agad ako ni Kate kaya sumunod naman sa amin si Mama.

Ilang minuto din kaming nag-intay. Binati na din nila ako dahil nga first anniversary ko. Busy ako sa pakikipag-usap sa kanila ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

I'm home.

Nag-text si Dieter. Alam naman din niya na nandito ako ngayon sa CCH para sa concert ng Gimme 5. Nag-reply na ako sa kanya, and we exchange few messages for a long time ng biglang nag-lights out.

"Omg!" Nagsimula ng magkagulo ang buong concert hall ng lumabas ang Gimme 5. Shit! My ovaries.

Ilang kanta at games din ang natapos bago tuluyang natapos ang concert. Lumabas agad kami. Nakita ko agad si Brace na sasakay na sana ng sasakyan pero napatigil siya nung tinawag ni Kate.

Alam kong nakatingin siya sa akin. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. I was too stunned. Kate hugged him but his eyes were still on me. Hindi na kami nakapagpa-picture sa kanya dahil hinila na siya 'nung kasama nilang bakla sa sasakyan. Nagkagulo sila pero ako ay nakatitig pa din sa sasakyan nila.

HE LOOKED AT ME.

Gusto ko ding tumili pero hindi ko magawa. His eyes. His eyes. His eyes! They're looking at me. I know, he's looking at me. No no. Change it. He's staring at me. We stared at each other's eyes for a long time. Oh my goodness!

"Sena, tara na." Tawag sa akin ni Mommy at hinila na ako. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Kate. Napatingin ako sa phone ko. 6 unread messages.

I'm done eating. Kumain ka na din ha.

How're you doing there?

What's happening there?

Text me when you're done there.

Hey, I miss you. I'm worried here.

Good night

Napakagat ako sa labi ko. Shit. I forgot to text Dieter.

Hi Dieter! Sorry, 'di ko agad nacheck phone ko. Katatapos lang ng concert. I really had fun!! And guess what? He looked at me!! Nagkatitigan kami!! Grabe, my heaaaart!

Tumingin ako kay Mommy na nag-aabang ng jeep ngayon. Hindi kasi siya marunong mag-drive. Wala si Daddy at wala din kaming driver ngayon kaya nag-commute kami. Nag-abang na lang din ako ng jeep ng biglang nag-vibrate ang phone ko.

Yay! I'm really glad you enjoyed. Sayang, hindi kita nasamahan.

I smiled. He's so precious.

Sus, baka mabored ka lang din dito! Tapos makikita mo lang kung paano ako kiligin at magtitili kay Brace. Nakakahiya.

Mommy noticed na naka-ngiti ako, so she started teasing me. Tumigil ako sa pakikipag-asaran kay mommy when I felt my phone vibrate.

I know you still look pretty, and really damn cute.

But uhm, I'm actually kinda jealous.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now