45th Delusion ♡ Trust

354 8 6
                                    

Brace Arquiza and a fan caught kissing!

Halos hindi ako makahinga dahil sa headline na iyan. Beside the headline is a picture of Brace with Louise. Obviously, they're kissing. 

Unti unting tumulo ang luha ko. Sunod sunod at walang palya. Niloloko na ba nila ako matagal na? I caught them before, they're together and they're having fun. Pero, engaged na kami. I can't find any reasons for him to cheat.

Ganon ba talaga 'yon? Nakakasawa ba akong mahalin? Pagod na ba siya? Or baka naman curious lang siya sa feeling na magkaroon ng girlfriend na fan kaya niya ako niligawan. Isn't it confusing? 12 years na kaming magkakilala pero last year lang naging kami. 12 years na kaming magkaibigan, 12 years na kaming magkasama. O kaya naman, akala niya ay gusto niya talaga ako tapos bigla niyang narealize na ayaw naman pala niya sa akin?

Natatakot ako sa mga posibilidad. Ayaw kong paniwalaan ang balitang ito. Ayaw kong paniwalaan ang picture na nakalagay doon. Pero kahit anong pilit ko sa sarili kong hindi totoo iyon, hindi ko mapapagtakpan ang katotohanan.

Lumabas ako ng building na umiiyak. Inabot sa akin ng valet ang susi ng kotse ko, tumawag siguro ang sekretarya ko na bumaba ako. Sumakay agad ako sa sasakyan ko at umalis doon.

Napatitig ako sa labas habang iniisip kung ano pa ang ginagawa nila kapag sila na lang dalawa? Sa harap nga ng media naghahalikan sila, paano kapag sila na lang dalawa? Nagkikita ba sila?

Kumirot na naman ang dibdib ko. Fucking thoughts. 

Nakarating din naman agad ako sa bahay. Naamoy kong parang may nagluluto.

Bakit nagluluto si Manang? Hindi naman sila nagluluto kapag wala ako.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at pinagwalang bahala na lang kung sino o ano man ang niluluto. I'm just too broken. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapag-drive ng maayos.

Umupo ako sa kama at nagisip isip muna.

Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit niya 'yun nagawa sa akin? Am I not enough? Or I am not worth it? Anong pagkukulang ko? Anong ginawa ko?

"Sena? Are you there?" Halos mapatalon ako sa kama ko ng marinig ko ang boses ni Brace. Halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko.

Gusto ko siyang yakapin at hayaang magpaliwanang.

But, I'm too mad and broken. I can't do that. I have no strength to approach and hug him. Parang sinampal ko ang sarili ko kapag ginawa ko iyon.

Hindi ako gumalaw sa kama hanggang sa bigla na lang nagbukas ang pinto. Nakatitig pa din ako sa bintana.

"Sena..." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Nakita mo na?" Hindi pa din ako umimik. Nawawalan na ako ng lakas.

Maybe, Louise is what he really wanted, not me.

"Listen to me, Sena..." Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko agad iyon.

"I'm not interested, Brace. That's enough." Napapikit ako sa sinabi ko. I am breaking with him, right? What he did is really scathing. If I let him break this relationship, it will hurt my ego.

"Sena, no. That's not what you think." Sabi niya at lumuhod sa harap ko. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya. "Sena, please, I love you!" Napapikit ulit ako dahil naman sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"Fuck! Alam mo ba ang sinasabi mo, Brace? Alam mo ba? Mahal? Tangina, kung mahal mo ako hindi ka makikipaghalikan sa iba! Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan. Kung mahal mo ako, hindi ka maglilihim. Tangina, mahal talaga?" Tuloy tuloy na umagos ang luha ko.

"Sena, hindi ako nakipag---"

"Hindi ka nakipaghalikan?! Talaga lang ah? So, sinasabi mong sinungaling ang naglabas ng balitang iyon? 'Yun ba ang gusto mong iparating? Sasabihin mo bang edited 'yung picture?! Ganon ba, Brace?" Napailing siya dahil sa sinabi ko.

"Sena..." Pagmamakaawa niya. "Let me, please... Let me." Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Umiwas ako ng tingin. Artista siya, Sena. Possibleng acting lang 'yan. 'Wag kang magpadala agad.

"Kailangan ko pa ba kayong mahuli bago ka umamin?" Taas kilay kong tanong.

"Sena, I didn't kiss her. She kissed me!" Sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko, dahil hindi ko alam kung anong tama.

"So you let her kiss you?" Tanong ko ulit.

  "Sena, damn it!" Bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako ng mariin. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. "I love you. I love you. I love you." Lalo akong naluha dahil sa sinabi niya.

"Ssh, don't cry. Believe me, Sena. I love you. I didn't kissed her. Nagjo-jogging ako, she suddenly came somewhere." Panimula niya. Hinayaan ko lang siyang mag-explain habang umaagos ang luha ko. "We talked. Until she asked me if I ever had feelings and she immediately kissed me." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "Trust me. Trust me, please. What else should I do?"

"Brace, space." Bahagya ko siyang tinulak. "I'm hurt." Mariin kong sabi.

"I know, I'm sorry. Hindi ko naman alam na may media doon. Did you read the article? It's included there na tinulak ko si Louise, Sena." Kumirot ng kaonti ang aking dibdib.

"Brace, just give me space." Nakayuko kong sabi.

"Damn! I love you and I don't know what to do if I'll lose you. I can give you everything but not that. Not space." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Bakit ba ayaw mo akong pagkatiwalaan?" Umiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Kulang na ba talaga ako sa tiwala sa kanya?

"N-not that." Umiling ako.

"Make me feel that you trust me. Make me feel." Niyakap niya ako ng dahan dahan. "Mahal kita, Sena. Believe me. Trust me."

He's my weakness. Whatever he says, it makes me feel vulnerable. And I guess, you're right. I should trust you.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now