38th Delusion ♡ Photograph

364 9 1
                                    

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko bago umuwi. Kinuha ko na ang bag ko't nilabas ang susi at ang cellphone. Nagpaalam na ako sa sekretarya ko at nagsabi ng ilang bilin.

Laking gulat ko ng nakita ko si Brace na nakasandal sa kanyang sasakyan at mukhang iniintay ako. Napatayo agad siya ng maayos nung nakita niya ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Sena!"Agad niya akong sinalubong ng yakap. "Akala ko hindi na kita maabutan."

"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhan kong tanong.

"Don't you want me here?" Nakanguso niyang tanong.

"Not that. You should take a rest now." Napapailing kong sagot.

"I just want to see you. I miss you." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Halos isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Pero araw-araw ay may pinapadala siya. Iba iba. Ngayon nga ay nagpadala siya ng isang napakalaking heart-shaped na cake. Kinain na namin 'yun kanina ng mga kasama ko sa opisina.

"Nakita mo na ako. Go home, Brace. Take a rest." Napanguso siyang muli sa sinabi ko.

"Sena naman.." Mahinahon niyang sabi.

"Hmmm?" Akmang lalapit na ako sa sasakyan ko pero nagsalita agad siya.

"I want to spend the night with you, please?" Napakagat ako sa labi ko dahil sa alok niya. Alam niyang hindi ko siya kayang tanggihan. Damn this man.

"Please?" Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang kamay kong nanlalamig na.

"Okay.." Kagat labi kong sagot. Sobra akong kinakabahan. Umangat agad ang kanyang labi na nagpalabas naman lalo ng kanyang dimples. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinayaang pumasok sa sasakyan niya.

Nakarating kami sa isang park at pumasok sa isang halatang mamahaling restaurant. Pinagbuksan kami ng guard ng pintuan at binati. Agad naman kaming sinalubong ng receptionist at hinatid sa aming table. Sa labas ang aming table. Nagulat ako ng nakita ko ang set-up.

Medyo malayo ito sa mismong restaurant at may dalawang upuan doon na magkaharap. Sa gitna ay may isang mataas na kandila. Pinalilibutan ang lamesa ng mga kandila din. Sa gilid ay mayroong tumutugtog. Habang naglalakad kami ay tumutugtog ng All of Me sa violin ang musician na lalong nagpatunaw sa aking puso.

Hinayaan na kami ng receptionist na maglakad sa aisle patungo sa lamesa. Napangisi ako at pinipigilang maging emosyonal. This is my first date with my idol.

Inalalayan niya akong maupo sa isang upuan at agad naman siyang umupo sa tapat ko. May nag-abot sa kanya ng isang bouquet ng bulaklak at binigay niya naman ito sa akin. Tinanggap ko naman ito.

"Brace.." Hindi makapaniwala kong sabi. Sa wakas ay nakapagsalita din ako.

"Sena?" Nakangiti niyang sagot.

"What are these?" Napakagat ako sa labi ko.

"Date." Nakangisi niyang sagot.

"Aren't you comfortable?" Tanong niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Hindi ako nagsalita.

"Chill. Just think that this is just a normal date." Normal date. Alright.

Nagsimula na kaming kumain. Kalaunan ay naging kumportable na din naman ako. Hindi ko pa din lubos maisip na kasama ko siyang ka-date ngayon. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo sa upuan at lumapit sa musicians sa gilid. Ang buong atensyon ko'y nasa kanya lang. Nakatitig ako sa kanya habang kinakausap niya ang musician. Isang pamilyar na tugtog ang sinimulan ng pianist at nagulat ako nung kinuha ni Brace ang microphone.

Loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know  

Panimula niya sa kanta. Napakalamig ng kanyang boses at ramdam ko ang pagtagos nito sa aking puso. His words grooved in my heart.

We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
Times forever frozen still  

Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa aking pisngi. Gusto kong lumapit sa kanya't yakapin siya pero hindi ko magawa. Ang bigat ng dibdib ko, sobrang lakas ng tibok. Ang mga paruparu sa tiyan ko ay nagwawala at parang nagfi-fiesta.

Nakatitig lang siya sa akin buong kanta at ganoon din ako sa kanya. Pakiramdam ko'y ito na ang pinakamagandang kantang narinig ko sa buong buhay ko. I never thought it will be this heart-melting to hear him sing for me.

"We keep this love in a photograph." Aniya bago ako niyakap.

"Brace.." Bulong ko sa kanya habang yakap pa din namin ang isa't isa.

"I love you, Sena. You won't ever be alone. Don't stay away from me. Don't leave me, ever." Pumikit ako at tumango habang dinadama ang lambot ng kanyang puso sa kanyang yakap.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now