36th Delusion ♡ Years

384 9 2
                                    

Makalipas ang napakabilis na pitong taon ay napakadaming nagbago.

May trabaho na akong tao pero sumu-suporta pa din ako sa kanila. Hindi nga lang nagsisisigaw sa mall shows pero nandun pa din ako.

Mahigit sampung taon na akong nagmamahal sa kanya. 12 years old ako nung una ko siyang nakita sa TV. Ngayon ay 24 years old na ako. Gosh! 12 years of loving him! 12 years na ang pagkakaibigan namin. 12 years na kaming magkasama. 12 years na. Masyadong unbelievable pero 'yun ang totoo. Nakapagtapos ako ng junior at senior high school pati na din ng college, pero mahal ko pa din siya. Siya pa din. Always.

Abala ako sa pagbabasa ng mga papeles ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako nung nakita ko kung sinong tumatawag at lumakas agad ang tibok ng puso ko.

"Hey." Bati ko.

"Sena." Malambing niyang sabi.

"Why?" Tanong ko agad.

"Naabala ba kita? Are you busy?" Diretso niyang tanong din.

"Not really. I'm just reviewing few papers." Sagot ko at sumandal sa swivel chair.

"Kumain ka na?" Napatingin naman ako sa orasan at napagtanto kong alas dos na pala, hindi pa ako nakakapag-tanghalian.

"U-uhm.." Hindi ako makasagot. I know he'll get mad.

"I knew it. Nandito ako sa labas ng office mo. Let's have lunch." Napa-upo agad ako ng maayos dahil sa sinabi niya.

"What?" Inayos ko ang damit ko at tumayo na.

"Get out there. Let's eat lunch." Nagtungo ako sa pintuan at binuksan ko iyon. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko siyang may dalang bulaklak.

"Sena.." Lumapit siya sa akin at inabot ang bulaklak. Pinatay niya ang tawag at binaba ko na din ang cellphone ko. Namula agad ako at lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Ganoon pa din ang reaksyon ng sistema ko sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at tinignan siya bago ang bulaklak na hindi ko pa idn tinatanggap.

"We'll have lunch." Ngisi niya.

"And flowers.." Inabot niya sa aking muli ang bulaklak at doon ko lang iyon tinanggap.

"Thank you." Nahihiya kong sabi.

"Let's go?" Hindi na ako nagdalawang isip at sumama na agad ako sa kanya.

Dumiretso kami sa isang napakagarbong restaurant. Hinatid kami ng waiter sa upuan namin. Handa na agad ang pagkain at mayroon na ding nakaayos na kandila doon. Nag-usap kami saglit at kumain na.

Masaya ako dahil kasama ko na naman siya. Pakiramdam ko ay nasanay na ako sa kanya, pero hinding hindi ako magsasawa.

"Sena..." Aniya't hinawakan ang kamay ko. Nagwala agad ang buong sistema ko dahil sa isang bagay lang niyang ginawa.

"Hmmm.."

"It's already years... Ilang taon ko na ding pinaghandaan ito. 12 years of friendly relationship with you as a friend is good." Panimula niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita. "But I think having a romantic relationship with you is better." Biglang nagwala ang aking puso. Hindi tumigil sa sobrang lakas ng tibok.

"W-what do you mean?" Kunwaring naguguluhan kong tanong.

"I'm gonna court you." Ramdam ko ang pamilyar na paruparu sa aking tiyan ng bigla niyang sinabi ang mga salitang iyan.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now