32nd Delusion ♡ Weakness

359 10 1
                                    

Hindi ko alam kung anong mga dapat kong gawin para makapag-ipon. Wala na akong ibang maisip kundi ang umattend ng mas madaming teen runways. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap ng teenage runways dito sa Pilipinas. Mas maganda kung sa mas malapit, dahil gagastos din ako kung sa malayo.

Naghanap ako ng madaming possibleng pagkakitaan. Kanina pa ako nagiisip na mga sasabihin sa mga magulang ko para lang mapilit sila. Walang pasok ngayon kaya late na din ako nagising. Huminga ako ng malalim at napagdesisyunang pumunta na sa kusina para kumain.

Nadatnan ko doon si Mama na nagliligpit ng pinagkainan nila.

"Gising ka na pala. Kumain ka na." Walang emosyong sabi sa akin ng aking ina. Umalis siya't niligpit ang mga pinggan sa lamesa. Kumuha naman ako ng pagkain para makakain na dahil napagdesisyunan kong pumunta sa sentro.

"Bakit napaaga ang gising mo?" Seryosong tanong ni Mama nung bumalik siya pagkalagay ng mga pinggan sa sink.

"Pupunta lang po ako sa sentro." Tumaas ang kilay ni Mama sa sinabi ko.

"Anong gagawin mo dun?" Mataray niyang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito nila ako tina-trato ngayon.

"I just have to check the scheduled runways." Sabi ko bago sumubo.

"You can't accept works now, Sena. Delikado." Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Mama.

"You're allowing me before." Naninikip ang dibdib ko. I don't want what's happening now. They're being strict.

"But, that's before, Sena Christine. There are still temporary decisions in life." Napabuntong hininga ako.

"Ma, I need money for the concert." Binaba ko ang kutsara't tinidor para mas matinong makausap si Mama.

"We didn't allow you! You can't go." Lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Dini-distansya niya ako masyado ngayon. Damn.

They allowed me too close before and now they're creating walls. Sana hindi na lang nila ako pinayagan noon para hindi na mapalapit pa lalo ang loob ko kay Brace. Kung gagawin din naman pala nila ito,  they shouldn't allow me from the first place. 

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ang picture ng ticket sa cellphone ko. Pugtong pugto na 'yung mga mata ko. Simula kaninang umaga ay hindi na natigil ang pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung ano pang pwede kong gawin para lang makasama ako sa concert na 'yan.

First ever concert nila tapos hindi ko mapapanood? Damn. I won't allow that to happen.

Nakaramdam ako na may dumating na sasakyan. Nandiyan na yata si Daddy. Tumakbo agad ako pababa. I need to please him. I need to go there!

"Daddy!" Salubong ko sa kanya't niyakap ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko. Nang bumitaw ako sa yakap ay gulat na gulat siyang nakita ang pugto kong mga mata.

"Anong nangyari?" Tanong niya at umupo sa sofa. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Daddy, please..." Mahinahon kong sabi. Hindi ko na naman napigilan ang maiyak.

"I have good grades. I am doing chores.. Please, Daddy... Please." Hagulhol kong nagmamakaawa.

"Anak, this is for your own good." Hinawakan niya ang kamay ko. Lalo akong naiyak.

"Dy, this is for my happiness! I know you know how much they can make me happy. Please, Daddy." Napapikit naman si Daddy dahil sa mga daing ko.

"Anak... Give me time to think until tomorrow." Huminga ako ng malalim.

"Okay, Dad.." Mahinahon ko pa ding sagot. Nanghihina na ako.

It's so funny how much Brace can make me so weak. I'm so delicate when it comes to him. He can easily made me happy, and sad. He can make me excited and nervous at the same time. 

But, I still can't imagine how he can make me so weak and sad. Siya lang ang tanging lalaking nakakapagbigay sa akin ng ganitong kahinaan. Damn, he's my weakness.

Kinabukasan ay sobra akong kinabahan. Pagkatapos naming mag-simba ay kumalabog agad ang dibdib ko habang nasa daan kami patungo sa isang restaurant para mag-almusal. Alam kong maaaring pagusapan na namin ang pagpunta ko sa concert.

"Anak.." Laking gulat ko ng bigla akong nilapitan ni Daddy pagkababa ko ng sasakyan.

"This is the money, when will you buy your ticket?" Pakiramdam ko ay namutla ako dahil sa sinabi niya.

"Daddy?" Naguguluhan kong tanong. If this is just a kind of prank, I swear I'm gonna kill myself.

"You can go." Napapikit ako't pinipigilang mapasigaw dahil sa sobrang saya.

"Thank you, Dad!" Niyakap ko siya bilang pasasalamat.

I can't wait for summer!

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now