23rd Delusion ♡ Pangmatagalan

500 10 1
                                    

Buong gabi lang akong nakatunganga sa kama ko. Buong gabi kong iniisip kong anong pagkakamali ko't pinili pa din akong iwan ni Kurt. Hindi ko alam kung anong pagkukulang ko't pinagpalit niya pa din ako sa magaling niyang ex.

Ayaw kong masyadong mag-isip dahil ayaw ko na ng stress. I'm too young for stress. Alam kong bata pa ako para sa mga heartaches. Bata pa ako para maramdaman ang mga ganitong bagay. Masyado pa akong bata para isipin ang pag-ibig. High school pa lang ako't madami pa akong makilala mas karapatdapat. I shouldn't rush things. Sabi nga nila, we shouldn't rush things we want to last forever.

Ang mga bagay na pangmatagalan, pinaghihirapan at hindi minamadali. Dahil kapag minadali mo, you'll come up with wrong decisions and wrong path.

"Sena Christine, kakain na." Tawag ni Mommy.

"Sige po." Bumaba agad ako sa kama't lumabas na ng kwarto ko.

Mabilis lang kaming natapos kumain dahil hindi naman kami masyado kumakain kapag gabi na. Nag-stay muna ako sa living room kasama si Gian. Pareho kaming busy sa aming iPad.

"Si Justin Bieber ba 'yan?" Tanong sa akin ni Gian at tinignan ang pinapanood ko sa iPad. May nakita kasi akong video ni Justin Bieber sa timeline ko sa twitter.

"Ah, oo." Simple kong sagot habang seryosong pinapakinggan ang himig ni Bieber.

"Ang ganda na lalo ng boses niya." Hindi na ako nagsalita. Nakaka-hypnotize 'yung boses niya. Sobrang nakakainlove. Hindi ko na napigilang manood pa ng ilan pa niyang videos.

Ilang linggo na akong nakikinig sa boses niya. Habang tumatagal lalo akong nawiwili sa kanya. At hindi lang si Justin Bieber ang nakilala ko, nakilala ko din si Ronnie Alonte na mahilig din kay Justin Bieber. Nalaman ko ding Star Magic Artist pala itong si Ronnie.

Napangisi ako. Unti-unti din kitang makakalimutan Kurt. Siguro hindi ikaw ang klase na lalaking kinakasama ng pangmatagalan. Magaling ka lang sa pagpapaikot sa mga babae. You're too genius to make us stupid. But hell, I'm gifted and I can't let you make me stupid anymore. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'to sa akin.

I made a lot of wrong decisions for you. I even gave up my relationship with Dieter just for you tapos lolokohin mo lang ako? Damn that asshole. Siguro nga'y nadala lang ako sa atensyong binibigay mo sa akin noon. Siguro'y nangungulila lang ako sa ganoong atensyon kay Dieter, at sa kasamaang palad, sa'yo ko pa nahanap ang atensyong iyon.

Alam kong madaming manloloko't gago sa mga panahong ito. But I believe, sa 10 lalaki mayroong tatlong karapatdapat sa pangmatagalan.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now