25th Delusion ♡ Not too close

531 13 2
                                    

Hindi ko na maalala kung ano pang mga nangyari nung mga nakaraang buwan. Napakabilis ng oras. Hindi ko man lang maalala kung paano ako nakarating sa studio ng Star Horizon para sa mga workshops. Napag-isipan kasi namin ni Ysa na mag-try naman kami sa iba pa aside from Star Magic kaya nandito kami ngayon sa Star Horizon upang simulan ang workshops.

"After ng classes natin ngayon, saan tayo?" Tanong ko sa kanya habang pumapasok kami sa loob ng hall namin.

"MOA naman tayo." Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sagot niya.

"Ang layo!" Reklamo ko.

"Sa Pasay din naman tayo uuwi mamaya! Dali na!" Didiretso kasi kami sa Pasay ngayon dahil nire-renovate pa 'yung condo ng pinsan ko kaya sa condo ako ni Ysa tutuloy. Nasa Pasay pa kasi ang condo niya.

"Sige na nga!" Tumahimik kaming dalawa ng may biglang pumasok na babae sa loob ng hall.

Mabilis ang takbo ng oras tulad noon. Hindi naman gaano strikto ang teacher namin pero hindi din siya maluwag. Mahigit isang oras din ang inabot namin dahil sa matinding traffic. Naglibot muna kami bago kami tumuloy sa isang restaurant para kumain. Abala kaming dalawa sa pagku-kwentuhan pero may biglang tumawag sa akin.

"Ate Sena?!" Nagulat ako ng narinig ko ang boses na iyon. I know that voice! Lumingon ako at hindi nga ako nabigo.

"Sacha!" Sigaw ko't tumakbo ako papalapit sa kanya para bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"Sena!" Tawag naman sa akin ni Kuya Edward na nasa gilid niya lang, binati ko din naman siya ng may ngiti. Lumapit ako sa kanya at saglit ko siyang niyakap.

"Long time no see, Ate Sena!" Halos maiyak-iyak na ako dahil hindi ko man lang naisip na magkikita kami dito.

"Sinong kasama niyo?" Tanong ko sa kanya kahit hindi pa din mag-sink in sa akin na nakikita ko sila ngayon sa harap ko.

"Dadating sina Mama kasama si Kuya Brace at Ate Louise. Galing pa kasi silang taping ni Kuya Brace." Napangiwi naman ako ng narinig ko ang pangalan ni Louise. Talaga palang ganito sila ka-close 'no?

"Sumabay na muna kayo sa amin. Hindi pa naman kami nakaka-order. My treat." Ngumisi na lang ako sa kanila.

"Sige, ite-text ko na muna si Mama." Ani Kuya Edward. Sinama ko na sila sa upuan namin ni Ysa. Pinakilala ko sa kanila si Ysa.

Nagkwentuhan na muna kaming apat. Naging close din naman agad sila kay Ysa dahil feeling close naman itong best friend ko.

Halos kakatapos lang namin kumain ng biglang may tumawag kay Sacha at Kuya Ed.

"Sacha! Edward!" At aware akong boses 'yun ni Tita Alma. Nakatalikod ako sa kanila. Katabi ko si Sacha tapos katapat ko si Ysa na katabi naman si Kuya Edward. Napansin ko ang halos paglaglag ng panga ni Ysa.

Tumayo ako kasabay ng pagtayo ni Kuya Edward at Sacha. Pakiramdam ko'y maluluha na ako dahil sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nung makita niya ako.

"Sena?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Napayuko naman ako bigla dahil sa naghahalog kilig at hiyang nararamdaman.

"Uy, Sena! Ikaw nga!" Nagulat ako ng bigla niya akong nilapitan at niyakap. Umubo si Louise kaya napabitaw naman si Brace sa yakap niya sa akin.

"Tita, diba you're hungry na? Let's go na." Nakangiting anyaya ni Louise sa kanila.

"Dito na lang din tayo kumain tutal nandito na din naman tayo." Nakangising sabi ni Brace habang nakatingin pa din sa amin.

"Oo nga. Nakakahiya naman kina Sena. Nilibre pa kami tapos iiwanan agad namin." Pagsangayon ni Kuya Edward kay Brace. Nagpalagay naman kami ng upuan para makaupo naman din sina Tita Alma. Laking gulat ko ng biglang umupo si Brace sa tabi ko na kanina'y upuan ni Sacha.

"Kuya, diyan ako!" Sabi ni Sacha't halos itulak na si Brace.

"Sacha, dito na muna ako. Alam mo na.." Parang may sinenyas pa si Brace kay Sacha bago ngumisi si Sacha at tumabi na lang kay Brace. Napatingin naman ako kay Ysa na parang naguguluhan sa nangyayari at hindi makapaniwala.

Um-order na si Tita Alma. Tinawag ko naman 'yung waiter na in-orderan niya.

"Isama niyo na 'yung order nila sa bill ko." Bulong ko sa waiter. Tinanguan naman niya ako't umalis na.

"Ano 'yun? Close kayo ng waiter?" Nakataas kilay na tanong ni Brace.

"Hindi ah." Natatawa kong sagot.

"Bakit naman ang lapit niyo mag-usap?" Nakakunot noo pa din niyang tanong.

"May sinabi lang ako. Ano ka ba?" Ngisi ko.

"Not too close, Sena. You're making me jealous." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Pinapaasa yata ako nitong idol ko.

"Sa'kin ka lang dapat nakikipag-usap ng ganyan. No one can ever dare to go near you. Baka makabugbog ako." Napayuko na ako dahil hindi ko na mapigilang mapangisi.

"Hey, talk." Inangat niya ang baba ko para magpantay na ulit ang mata namin.

"Kinikilig ka ba?" Natatawa niyang tanong. Napa-pout naman ako sa tanong niya.

"Shit, Sena! Don't pout." Napakagat na naman ako sa labi ko. Gusto ko ng sumabog sa kilig.

Napansin ko ang titig niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"I missed you." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Naabutan ko ang naglalarong ngisi sa kanyang labi.

"Na-miss din kita." Lalo siyang napangisi sa sinabi ko.

Nilapit niya ang upuan ko sa kanya at sobrang lapit na naming dalawa. Inakbayan niya ako't nagulat ako nung naglabas siya ng cellphone saka nagpa-picture kay Sacha. This guy! Agh!

Huwag mo nga ako paasahin, Arquiza.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now