7th Delusion ♡ Laro

619 18 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako papasok ngayon dahil sa sobrang pugto ng mata ko. Nakita ko ang mga pictures ng mga fangirls ni Brace sa social media. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagbukas ng accounts ko kahit alam kong ganoon ang makikita ko. Nakatitig pa din ako sa sarili ko ngayon, iniisip kung paano ko maalis ang pagkapugto ng mata ko.

Hindi naman masakit 'yung makita ang idol mong masaya kasama ang iba, kasi natural lang 'yun. Hindi lang ako ang possibleng makapagpasaya sa kanya.

Pero ang masakit ay 'yung parang pinipigilan ka ng tadhana para maging rason din ng mga ngiti niya.

Gusto ko din siyang pasayahin katulad ng nagagawa ng ibang fangirls. Pero, paano kung 'yun magagawa kung ayaw makisama ng tadhana?

"Sena? Tapos ka na ba?" Huminga ako ng malalim sa katok ni Mommy.

"O-opo. Susunod na po ako." Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko. Shit! Bakit ba napakaiyakin ko?

Hindi ako nag-online 'nung Saturday pero pagkabukas ko kagabi ng accounts ko, puro pictures lang ni Brace nung Saturday ang nakita ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at buong lakas na humarap sa ina ko kahit nasasaktan ako.

"Sena?!" Salubong sa akin ni Janine. Siya kasi ang unang dumadating sa classroom araw-araw. Niyakap niya ako nang napansin ang pugto kong mata.

"J-janine..." Hindi ko na napigilan at naiyak na naman ako."Ssssh, I'm here." Bulong niya.

Hinayaan lang ako ng mga kaibigan ko ngayong araw na ito at binigyan nila ako ng oras. I'm too damn pre-occupied. Hindi ako maka-focus. Bakit ba ganito kalaki ang epekto nun sa akin?

Siguro dahil alam kong minsan na nga lang magkaroon ng chance na makita't makasama siya hindi pa napagbigyan.

Fate isn't giving us chance. Fate is unfair. Hindi naman ako naniniwala sa destiny. Pero, kinakalaban na ako ng tadhana. At handa akong makipagsapalaran sa tadhana makasama't makita lang siya ulit. I'm not gonna let destiny ruin my chance next time. Let's say, may dadating lang na mas maganda. Mas exciting. Mas nakakakilig.

Ilang buwan na din agad ang nakalipas at September na agad ngayon. Isang malaking preparation tuwing September. Malapit na kasi ang birthday ni Brace. Ngayon simula na ng ber months, mabilis na lang ang oras. Kailangan ko ng magmadali sa pagiipon. Nagaayos ako ngayon ng budget ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

There will be a mall show in Carenas on September 21! Carenas for the 3rd time!

Nalaglag ang panga ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung paglalaruan ulit ako ng tadhana sa mga oras na ito. Makikipaglaro na lang ulit ako sa kanya. Enjoy the game, destiny.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now