48th Delusion ♡ Lame

318 9 1
                                    

Sinundan ko si Brace hanggang sa bahay niya. I won't let him go. Galit lang siya sa akin, I know he loves me.

"Brace!" Tawag ko sa kanya nung bumaba siya ng sasakyan. Liningon niya ako at umiling.

"Umuwi ka na." Aniya pero hindi ko pinansin. Pumasok ako sa loob ng bahay niya. "Sena!" Suway niya sa akin.

"May hinanda akong pagkain para sa'yo. Ilalagay ko na sa kitchen mo ha." Pagwawalang bahala ko sa panunuway niya. Dumiretso ako sa kitchen. Tinulungan ako ng yaya ni Brace na magayos ng mga kakainin namin.

"Sena Christine!" Frustrated na sigaw ni Brace at hinila na ako. Nabitawan ko tuloy 'yung hawak kong pinggan.

"Ayan! Natapon." Nanghihinayang kong sabi. Lumuhod ako at niligpit ang nasayang kong niluto. Dahan dahang pumatak ang luha ko. Hindi ko pinansin ang kirot sa dibdib ko sa halip ay nagpatuloy sa pagliligpit.

"Sena! Stop it." Suway niyang muli. Napailing ako at pinunasan ang luhang pumapatak habang nililinis ang sahig. 'Yung niluto ko.

"Sayang 'yung niluto ko. Para sa'yo pa naman ito." Nanginginig kong sabi. Napapikit ako at ininda ang sakit sa dibdib.

"Just please, get up there and leave!" Sigaw niyang muli. I get it, he's mad.

"A-ang sakit." Bulong ko dahil hindi ko na napigilan ang emosyon ko. I'm trying here. Can't he see that?

"Kung ayaw mong masaktan, umalis ka na." Matigas niyang sabi.

"Hindi ba mas masakit kapag iniwan kita? Hindi ba mas masakit kapag umalis ako?" Nanghihina kong tanong.

"No, it'll be better." Para akong pinaulanan ng karayom sa dibdib dahil sa sinabi niya. "I don't want girls who kiss other guys when they're in a relationship." Ngumiwi siya. Napayuko ako. I'm too guilty.

"B-brace..." Pigil ko sa kanya.

"Just please leave me." Lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"I love you." Bulong ko dahil nanghihina na naman ako.

"Can you hear yourself? Masyado ka na bang sanay magsabi ng I love you kung kani-kanino?" Para akong pinapatay ng mga salita niya. He's a bit insensitive when he's hurt. "Pang-ilan ba ako sa mga nasabihan mo ngayong araw?" Muli siyang ngumiwi.

"B-brace. I-ikaw lang." Nanginginig kong sabi. Hindi ko na mapigilan ang hikbi ko.

"Tangina! Leave, Sena! Leave me here! Leave!!" Sigaw niya. "Do you expect me to believe you? Harap-harapan mong hinalikan si Kurt tapos sasabihin mong mahal mo siya? At ngayon, ako ulit? Tangina, Sena. Tangina talaga." Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. 

"I-I'm sorry. I thought it was you." Nanginginig kong sabi.

"That's lame, Sena! Leave now! Leave." Napayuko ako at dahan-dahang tumayo.

"I won't give up, Brace. Mahal na mahal kita." Huli kong sinabi at tinalikuran na siya.

Lumabas ako ng bahay niya at sumakay sa sasakyan. I'll give you space. Just space.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now