21st Delusion ♡ Follow

499 10 3
                                    

Ilang oras na din akong nakadapa sa kama ko. Hindi ako makatulog. Kanina ko pa iniisip kung tama bang pinili ko si Kurt over Dieter. Kanina ko pa iniisip kung tama ba ang desisyon ko.

"Anak?" Nagulat ako ng biglang kumatok si Mommy sa pinto ko.

"Ma?" Bumangon ako ng maayos ng pumasok siya.

"You look pale." Puna niya.

"Pagod lang po sa school." Umiling siyang umupo sa tabi ko.

"Give yourself permission to walk away from anything that gives you stress, anak. Take time to rest from everything." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.

"Even from Brace, anak. Magpahinga ka muna sa kanya." Napapikit ako sa sinabi ni Mommy. Pinipigilan ko ang mga luhang may balak lumabas sa mata ko.

"M-ma, I'm okay." Ilang araw na din niyang pinapaalala  sa akin na umalis na muna ako sa pagfa-fangirl.

"Anak, please. Pagbigyan mo naman kami ng Daddy mo. Malapit ka sa sakit, bawal kang ma-stress agad dahil sakitin ka. Please, anak. Stay away from anything that may give you ache." Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko sa mga oras na ito.

"Please, anak." Aniya't umalis na muna sa kwarto ko.

Gusto kong makawala muna sa lahat ng meron ako ngayon. Gusto kong tumakas sa sakit ko. Nakakabwisit naman eh. Buong gabi kong pinagisipan kung anong tama.

Should I be selfish and continued fangirling? Or should I follow my mom and take a break from everything that gives me stress?

Kinabukasan ay nagparamdam agad ako kay Kate na may balak akong sumuko. May balak akong umalis sa fandom namin. Noong una ay pinigilan pa niya ako pero sinabi ko sa kanyang buo na ang desisyon ko. I'm gonna take a rest from the fandom. I'm gonna follow my mom.

Halos dalawang oras na akong hirap na hirap na nakikipagusap kay Sacha. Ang hirap naman kasing ganito. Sabi niya sa aking welcome pa din ako sa fandom in case I want to go back, I'm so guilty of everything.

Late na akong nakapasok sa school at natanaw ko agad si Kurt na inintay pa din ako. He gave me a warm hug.

"Everything will be fine." Hinaplos niya ang buhok ko't hinayaan akong umiyak sa balikat niya.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon