6th Delusion ♡ Arquiza

680 15 2
                                    

This chapter requires an internet connection. Media are included.

The pictures are important to this chapter.

-

Makalipas ang ilang linggo pagkatapos ng mallshow na iyon, mas lalo akong napalapit kay Kate. Lalo kaming naging mas close sa isa't isa. At hindi na lang si Brace ang nashi-share ko sa kanya, pati na din ang iba ko pang kahiligan sa buhay at ganon din siya.

Nagpapasalamat naman ako na nakapasok ako sa fandom na ito, if I weren't here, walang Kate Chua akong kilala ngayon. Mas close ko pa siya sa mga kaibigan ko sa school. Well, syempre, except kina Ysa dahil sila naman talaga ang best friends ko.

Lamang na sa akin si Kate sa ilang mga mall shows. Lagi kasi siyang pinapayagan. Minsan nga napapaisip ako kung bakit ang unfair ng buhay ko. Bakit siya pinapayagan, bakit ako hindi? Bakit siya close na agad sa Arquiza, bakit ako hindi? Hindi ko naman maiiwasang mainggit sa kanya. Sobrang close na agad nila nina Kuya Joshua at ng iba pang Arquiza. Well, close na din sila ni Brace.

Isang araw nga'y nag-pm sa akin si Kate.

Kate: Sena! Nakausap ko si Brace! Shit.

Yan ang laman ng kanyang mensahe. Sa totoo lang, kapag may ganyan siyang mensahe sa akin, hindi ko alam kung anong ire-react ko. Fangirl pa din naman kasi ako, hindi maiiwasang masaktan sa mga ganyang mensahe.

Sena: Talaga? I'm happy for you.

Malimit na ganyan ang reply ko sa kanya. Hindi naman sa plastik ako, pero ayaw ko na lang gumawa ng gulo. Totooong masaya ako sa kanya kasi napamahal na din naman sa akin si Kate. Pero bilang fangirl, hindi ko maiwasang masaktan. Masakit syempre. Habang inaalala pa ang mga sakit na naramdaman ko sa loob ng ilang linggo, biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Kate.

"Kate!" Bati ko sa kanya. 

"Shit! Sena! Sena, shit! Tangina, shit!" Paulit-ulit niyang sabi. Hindi siya mapakali sa kabilang linya.

"Oy! Anong nangyayari sa'yo diyan?" Tanong kong natatawa pa. Para kasi siyang nababaliw sa kabilang linya.

"Nakausap ko si Brace! Holy shit!" Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita.

"Talaga? Sanay ka na namang makausap siya, ah? Bakit ngayon kakaiba? Yiie. Anong sinabi niya sa'yo ha?" May panunuya sa boses ko kahit ang totoo ay nasasaktan talaga ako. It's just so unfair.

"Sanay ka diyan?! Hindi 'no! Tatlong beses pa lang kami nagka-usap!" Natatawa niyang sabi. Ngumisi ako't pinigilang maluha at manginig.

"At least nga nakatatlo ka na! Ako nga hindi pa eh." Biro ko. Nagtawanan kaming dalawa.

"Pero ito na nga! Ito na! Shit. AAAAAAH!" Napahiwalay ako sa cellphone ko nang bigla siyang sumigaw.

"Aba! Anong nangyayari sa'yo diyan?!" Naga-alala kong tanong.

"SINABI LANG NAMAN NI BRACE NA CRUSH NIYA AKO! ALRIGHT, PUTANGINA SENA!" Kinikilig niyang sabi. Nagtuloy tuloy siya sa pagsigaw habang nagtuloy tuloy naman ang luha sa pagagos sa aking pisngi.

C-crush ni Brace si Kate?

"OMYGOD SENA! HINDI AKO MAKAPANIWALA! OH HELL, TELL ME I AM NOT DREAMING! SENA PLEASE! OMYG!" Sobrang saya niya't sobrang saya ko din para sa kanya. Masaya ako. Masaya talaga ako.

"T-talaga? I'm happy for y-you. S-so, ano na k-kayo?" Nanginginig kong tanong. Pinipilit kong huwag mag-boses na umiiyak.

"Gaga! Wala ah!" Natatawa niya muling sabi. Tinawanan ko na lang din. Walang tigil ang pag-ayos ng luha ko. Walang paawat. Ayaw tumigil. Sobrang kabog din ng dibdib ko. Kasabay ng tibok ng puso ko ang pagtakas ng luha sa mga mata ko.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now