43rd Delusion ♡ Marry me

406 10 2
                                    

Hindi ko alam kung anong susuotin ko ngayon para sa concert ng Gimme 5. Noon kasi, sinusuot ko ang fandom shirt namin. Ngayon, ewan ko. Pero, siguro dadalhin ko na lang itong fandom shirt namin.

Pumunta na ako sa closet ko para pumili ng casual clothes. Nakapag-ayos na ako. Naka-robe na lang ako para makapagbihis. I choose my crop top, high-waist pants, and cardigan. I fixed my hair into a messy bun and put a light make-up. Shet! Hindi ako mukhang abogado nito.

"Madam." Katok ng Yaya ko. "Nandito na po si Sir Brace." Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Manang. Kinuha ko na ang bag ko at agad lumabas sa kwarto ko at tumakbo pababa. Nakita ko si Brace na casual na nakaupo sa sofa.

"Shall we?" Tanong niya at pinulupot ang braso sa aking bewang. Bakit ba gustong gusto niyang ipulupot ang braso niya sa bewang ko?

Agad kaming nakarating sa Arena. Pero sa halip na sa Arena kami dumiretso ay tumuloy muna kami sa restaurant sa tapat ng Arena. Ito din ang restaurant na kinainan namin noong first concert ng Gimme 5.

Napansin ko ang agad paglingon ng mga tao sa amin. Lalo akong nilapit ni Brace sa kanya. Halos yakapin na niya ako. Damn, possessive boyfriend!

"Brace, hindi naman ako mawawala." Bulong ko sa kanya.

"I can't help it. Don't be so gorgeous, babe." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"I love you." Bulong ko sa kanya na ikinagulat niya. 

"Aren't you jealous of my fans?" Tanong niya bigla.

"Of course, I am. But, of course, I trust you. My trust and love for you is greater than my insecurities." I assured him. "Don't you trust me?" Hindi ko na napigilang magtanong. Napansin ko naman ang bigla niyang pagkagulat.

"I trust you, of course. I just don't trust those assholes." Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"I don't care about them, Brace. Stop being so insecure." Natatawa ko pa ding sabi.

"If I could only lock you in a room so no one could see you, damn, I would do." Napailing naman ako sa sinabi niya. "I never thought I'd be selfish. I never imagined myself being possessive over a girl." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Isang taon na at dalawang araw kaming magkasama. Hindi kaya nagsasawa siya sa akin? Hindi ba siya nagsasawa sa kaka-'I love you' sa akin? Damn. Trust, Sena, trust.

"SHETT! WAAAAH!"

"GO BRACE! GO JOAQUIN! OHMYGOD!"

"'YUNG PANTY KO NALAGLAG! DAMN DAMN DAMN!"

"GO GIMME 5! HOLY CRAP!"

"SHEETTT ANG INIT!"

Halos mabingi na ako dahil sa sigawan nung lumabas ang Gimme 5. Napangiti na lang ako. I still remember myself shouting and screaming for them to notice me. And, now? I don't need to do that to call their attention. I have all his attention. Na-miss ko din itong ganitong concert. Huminga ako ng malalim at naki-cheer sa kanila. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Brace habang nakatitig sa akin at nagpe-perform. Ngumisi ako sa kanya at nag-cheer pa.

Ilang kanta pa at pagpapakilig ang ginawa nila. Halos mahimatay na ang mga katabi ko at nasa likod ko. Nasa VIP row kasi ako. Ayaw pa nga ako pa-pwestuhin ni Brace dito. He said I should be at the backstage waiting for him. But, I want to show my support! I'll always be his fangirl.

"So, bro, kaya mo na 'yan!" Natahimik ang lahat nung tinapik ni Nash si Brace.

"Let's give it up for, Brace Arquiza!" Sigaw nung apat at iniwan na si Brace sa stage. Nag-dim ang lights sa buong Arena, at isang spotlight lang ang nakatutok kay Brace habanga nakaupo siya sa isang high-chair at nagi-guitar.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Onde histórias criam vida. Descubra agora