37th Delusion ♡ Red Roses

374 9 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nililigawan na ako ni Brace. Hindi ko alam kung nananaginip pa din ba ako hanggang ngayon.

Ilang taon din akong umasa. Ilang taon din akong naghintay. Ilang taon din akong nasaktan. I just wanted to be with him and now that he's courting me... I don't know. Gusto ko na agad siyang sagutin pero I still want to be sure of my decisions. Gusto kong 'pag nagdesisyon akong sasagutin ko na siya, buong kasiguraduhan na siya na hanggang huli.

Habang abala ako sa pag-aayos ng papel ay bigla na naman tumunog ang cellphone ko. Napangisi ako nung nabasa ko ang pangalan niya sa cellphone ko kasabay ng pagwawala ng puso ko.

"Sena..." Bakas sa boses ni Brace ang pagkapagod.

"Brace.." Mahinahon kong bulong sa kanya.

"I miss you..." Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Brace. Masyado akong abala at ganoon din siya.

"I miss you, too." Nakangiti kong sagot. Sumandal ako sa swivel chair ko at tumingala.

"Sana nandito ka ngayon." Nanghihinayang niyang sabi.

"Sorry, ang dami kong ginagawa ngayon eh." Pagod kong sagot.

Mayroon kasi silang mall show ngayon. Alam kong pagod na 'yon. 'Nung isang araw ay nag-record sila para sa panibago nilang album. Kahapon naman ay galing sila sa isang guesting sa fiestahan sa Leyte. At ngayon naman ay may mall show sila sa Novaliches. Awang awa na nga ako sa isang ito, napakadaming nilalakbay.

"Should I hung up?" Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa naging tanong niya. I don't want! I want to talk to him, I want to hear more of him. I'm longing for him already.

"Hmmm.." Hindi ako makasagot.

"Alright.." Aniya't pakiramdam ko'y napapikit na siya sa pagod.

"You'll hung up?"

"Yes. Bye."

"Bye.."

"I love you." Naramdaman ko ang pagwawala ng mga paruparu sa tiyan ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang umurong bigla ang dila ko't gusto ko lang marinig ng paulit-ulit ang sinabi niya. Ilang segundo din ang tinagal bago niya binaba ang tawag, para bang inintay pa niya kung sasagot ako.

Nakaramdam ako ng ilang pagsisisi sa hindi ko pagsagot sa kanya. But, I don't want to make it too fast. Kung sasagutin ko man siya, gusto ko ay sa personal.

"Attorney.." Katok ng secretarya ko.

"Come in." Umupo ako ng maayos.

"May nagpadala po." Kumunot ang noo ko nung makita ang isang napakalaking bouquet na parang pina-personalize pa para lang sa akin. Puro red roses ang pumuno sa isang bunch ng bulaklak na iyon.

"Kanino daw?" Tanong ko habang lumalapit siya sa akin.

"Sa secret admirer niyo daw po. There's a note there, Atty." Napangiwi ako sa sagot niya. Secret admirer?

"Really?" Iniabot niya sa akin ang bulaklak. Tinignan ko siya. I gestured that she can go and she immediately go out.

I miss you. May this red roses send you butterflies.

I love you..

-BA

Damn! Napakagat ako sa labi ko para maiwasang mapasigaw dahil sa message niya. It's just so simple but I find it so romantic. Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kong anong uunahin ko, but I decided to text him.

Thank you. :)

Wala pang ilang minuto ay agad na akong nakatanggap ng reply mula sa kanya.

You received them?

Ngumisi ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

Yup. Nagabala ka pa. You're too busy working. Ayaw kong maabala ka pa.

Kinagat ko ang labi ko habang nagiintay ng mensahe niya. Paano pa siya nagkaroon ng oras para padalhan ako? Sobrang busy niyang tao.

I will always find time to make you happy, Sena. Money and my career are nothing compared to you. And remember, I never considered you as a hindrance to me. You're always my inspiration.

Napapikit ako't paulit-ulit na sinabi sa sarili kong hindi ako nananaginip.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Where stories live. Discover now