18th Delusion ♡ Selfish

642 19 3
                                    

Hindi ako makapaniwalang tapos na agad ang ilang linggo kong workshop. Ngayon ay inaayusan na naman ako para sa recital namin. Hindi ako mapakali dahil kinakabahan ako. Nawa'y huwag akong magkamali.

Nae-excite naman ako dahil Gimme 5 ang guest artist namin ngayon. Bakit kaya nagpapakabait ang tadhana ngayon? Dahil ba may kapalit lahat ito?

Napailing na lang ako sa iniisip ko. I should be happy dahil sa lahat ng nangyayari ngayon. Huwag muna akong mangamba. It's better to enjoy now.

Pinapasok muna kami sa loob ng theater. Nakita ko ang ibang fans ni Brace. Binigyan kasi sila ng slot para makapanood din dahil nga guest namin ang Gimme 5. Nilapitan ko sila nung tinawag ako ni Kate.

"Sena! Ang ganda ganda mo!" Puri niya sa akin at naki-selfie agad.

"'Wag mo ako kakalimutan kapag artista ka na ha?" Biro niyang tinawanan ko naman.

"Sena Christine Peige, guys. Fan din ni Brace." Nginitian ko sila't kinawayan. Nakipagusap din sila sa akin saglit. Napansin ko ang masamang tingin ni Louise sa akin. Nginitian ko siya pero inirapan niya ako.

"Sena, sabihan mo sina Tita Alma na nandito ako ha." Ngumiti ako kay Kate at tumango. Tinawag na ako ng mga kasama ko't pinaupo muna nila ako sa harapan. Dun muna kasi kami dapat nakaupo.

Nagse-selfie kami't nagpi-picture picture ng bigla akong napatingin sa stage dahil may lumabas na sobrang gwapong lalaki at halos malaglagan ako ng panty dahil nakita ko si Brace. Napatingin ako sa taas at nakita kong busy ang mga ka-fan ko sa paguusap at pagkukulitan.

"Shit Sena! Lapitan mo na!" Pilit ng mga kasama ko sa akin kaso hindi pa din pinapansin ni Kate ang tawag ko sa kanya kaya hindi ko malapitan si Brace. Akmang tatakbo na ako papunta sa kanya pero bigla siyang pumasok ulit sa backstage.

"Ayan nakaalis na!" Pakiramdam ko'y mas nanghihinayang pa ang mga kasama ko dahil sa hindi ko paglapit kay Brace. Umiling na lang ako't hindi ko na napigilan ang kilig dahil sa nakita ko na naman si Brace! Holy crap.

Nandito na kaming lahat sa backstage at handa na para sa gagawing recital. Panghuli kaming magpe-perform at pagkatapos namin ang Gimme 5. Hindi namin alam kung paano kami makakapasok sa loob ng studio para makita ang Gimme 5.

"Ysa, paano ba tayo makakapasok sa--- HOLY SHIT!" Buti't napigilan ko na masyadong malakas ang sigaw dahil nakita ko si Brace. Isang glass door lang pagitan naming dalawa. Lumabas siya ng isang room kasama si Joaquin at kinawayan kami. Kasabay ng mabilis nilang pagalis ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang galing manggulat nitong lalaking ito!

Ilang minuto din ang initay namin hanggang sa nagsimula na at nagperform na kami ng pang-introduction performance na lahat ng work shoppers ay nag-perform. Mamaya pa ang performance per class. Pagod na pagod kaming bumalik sa backstage kaya naisipan naming mag-CR. Nagulat ako ng sinabi nung guard na pumasok na kami sa loob para mag-CR.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil alam kong nasa iisang studio lang kami ni Brace at possibleng makasalubong ko siya dito. Kasama namin ang tatlo naming kaklaseng lalaki at tatlong kaklaseng babae. Naunang umalis ang tatlo kong kaklaseng lalaki at nagulat kami ng tumatakbo silang bumalik.

"Sena, 'yung boyfriend mo." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Clark.

"What? Sinong boyfriend?" Tanong kong naguguluhan pa.

"'Yung artista. Si ano, si Brace Arquiza." Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Jeffrey.

"I know boys. You love prank. Not me, guys." Pagbabanta ko sa kanila kahit meron parte sa aking gustong maniwala.

"Hindi kami nagjo-joke!" Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para tumakbo at puntahan ang tinutukoy nila kung saan nandun si Brace at hindi ako nabigo. Nandun nga siya.

"Tita Alma!" Tumakbo ako papalapit kay Tita Alma at nakuha ko din ang atensyon ni Brace. Niyakap ko si Tita at niyakap niya din ako pabalik.

"Brace!" Tawag ng mga kasama kong babae at nilapitan siya.

"Kamusta, Tita?" Nagsimula na kaming magusap ni Tita Alma na para bang close na close kami. Napansin ko ang lihim na pagtingin sa amin ni Brace.

"Anak, picture na kayo ni Brace dali!" Masiglang sabi ni Tita after naming mag-selfie. Naramdaman ko ang init paakyat sa aking mukha. Lumapit sa akin si Brace at niyakap ko agad siya. Nabigla ako sa bigla niyang pagyakap sa akin pabalik.

"Thank you.. Thank you." Bulong niya sa akin. Kinalabutan ako sa bulong niya sa tenga ko.

"Salamat din. Salamat, sobrang salamat." Pilit kong pinipigil ang luha ko dahil baka masira ang make-up ko.

"Picture na tayo!" Yaya niya sa akin at nag-picture na kaming dalawa.

"Nagkita na ba kayo ni Kate?" Tanong ko sa kanya pagkatapos namin magselfie.

"Nandito si Kate?" Ramdam ko ang kirot ng kaunti sa dibdib ko.

"Oo, andiyan sa labas." Napakagat ako sa labi ko't pinipigilan ang kilig dahil may nabubuong conversation sa aming dalawa. Nakita kong biglang may dumating na guard at umalis na ang mga kasama ko.

"Tita Alma, una na po ako." Nakipag-beso lang ako kay Tita Alma.

"Brace, labas lang ako." Nginitian ko siya tapos hinawakan niya ang kamay ko.

"Dito ka muna." Napapikit ako at napakagat sa labi nung sinabi niya ang mga salitang iyan. Ngumisi si Tita Alma at nagsalita.

"Una na nga ako." Sabi ni Tita at pumasok na sa loob ng kwartong pinanggalingan ni Joaquin at Brace kanina.

"A-ah..." Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I missed you, Sena." Halos lumawa ang kaluluwa ko sa katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Balita ko may ka-MU ka na?" Halos hindi na ako makapagsalita dahil pakiramdam ko'y mapapasigaw na ako kapag nagsalita pa ako.

"Sena, talk to me." Nakapout niyang sabi.

"Ah, I missed you too." Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya dahil ayaw ko itong sagutin. Ngumisi siya sa sagot ko't niyakap ako bigla.

"Last time we hugged, you cried." Bulong niya sa akin.

"Tears of joy tawag dun, Brace." Akala ko'y bibitaw na siya sa yakap pero hinilig niya ang kanyang ulo sa ibabaw ng ulo ko. Malaki ang tangkad niya sa akin kaya nagawa niya ito.

"I know. Sana para sa akin lang ang mga luhang 'yon." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"I'm too selfish, Sena. I don't share my girl." Huli kong naramdaman ang labi niyang lumapat sa buhok ko bago tuluyang bumitaw sa yakap.

"I miss you, it's true." Aniya bago pumasok sa loob ng kwarto.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora