10th Delusion ♡ Stupid

599 15 3
                                    

December 20 na! Bukas na ang birthday celebration ni Brace! Sobrang excited na ako. Hindi na ako mapakali actually. Shit. Makikita ko na talaga ulit siya. This time, this is real. Walang halong biro. Walang halong kalokohan.

I've got high hopes on this one. I'm going to be with him tomorrow. Not with me alone, but at least with me.

Nag-aayos na ako ng gamit ko para bukas. Nae-excite na ako.

"Oh, Sena! Good thing, you're already packing." Biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko.

"Packing? I'm just fixing my things for tomorrow."

"Yes. I know. Akala ko sasabihin ko pa sa'yo. Nasabi na pala ng Daddy mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy.

"Ha?" Naguguluhang sabi ko.

"Diba luluwas tayo ng Lahelia bukas kaya ka nagaayos ng gamit?" Kusang nalaglag ang panga ko.

"We aren't going..." Halos bulong kong sabi.

"We are, Sena! Hurry up para makatulog ka na. Maaga ang luwas natin bukas." Huling sabi ni Mommy bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Napaupo ako sa sahig. Kusang tumulo ang luha ko. Tuloy tuloy. Walang tigil.

Tanginang tadhana naman oh! Lumaban ka naman ng patas! Huwag mong idamay dito ang pangarap ko. Alam mo ba kung gaano kasakit? Pinaglalaruan mo lang yata ako!

Hindi naman ako sa 1,000 kong kinontribute nanghihinayang. Mas nanghihinayang pa ako dahil hindi ko makakasama si Brace bukas. Handa akong gumastos ng gumastos para kay Brace kung para lang makita siya. Pero 'yung ganito namang walang patutunguhan? Tangina talagang tadhanang iyan!

Why is fate isn't playing fair? Pati naman 'yung kasiyahan ko kukunin pa sa akin. Akala ko ba kakampi ang pamilya? Bakit nagiging kalaban sila? Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Lahat kinakalaban?

Love doesn't always need to feel like a fight. Love should feel like a victory too. Kelan ba ako mananalo sa laban ng pagmamahal?

Aaminin ko, umaasa pa din ako hanggang sa huling minutong paalis na kami. Umaasa ako na baka sorpresahin naman pala ako ng mga magulang ko. Dadalhin naman pala nila ako sa venue may ganito pa silang pakulong luluwas kami ng Lahelia. Pero nasa kalahati na kami ng biyahe, at aware akong napakalayo na nito sa Maynila. At hindi ko na naman napigilan ang luha ko sa pagpatak.

Minsan, hindi ko na din masisisi ang tadhana. I know I should blame myself, too. Masyado na yata akong umaasa sa bagay na alam ko namang impossible kong makuha. I'm too stubborn. Pinagsasabihan ako ng mga tao sa paligid ko but I ain't listening.

Does love really make us too stupid to the extent that we'll make impossible things possible in our minds? Is love really powerful to the extent that it can control our brains too?

Alam kong dapat inuuna ang utak, kaya nga mas mataas ito sa puso. Dahil kapag sinunod ang puso ng walang utak, magkakanda-leche leche at lahat at masasaktan ka lang.

But can you blame me if my mind is my heart's slave? Inalipin na ng puso ko ang utak ko. Napapasunod na ng puso ko ang utak ko. Kahit anong taas ng utak ko, susundin pa din nito ang puso ko. Kahit mali ang mahalin siya, I'll still choose to love him and make everything positive.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon