Alam ko hindi naman lahat ganyan. I've read true to life stories na sobrang inspiring; kuwento na ang simula ay nagkakilala online.

But I still have my doubts; my fears.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit pilit kong binabalewala kung anuman itong nararamdaman ko; kung bakit pinagpipilitan kong hanggang "dito" lang ang nararamdaman ko.

Napatingin ako kay Genos na ganado sa pagkain.

"Pasalamat ka sanay akong kumain kahit may nakatitig sa 'kin, Dana."

Mulagat na napatitig ako sa kanya nang marinig ang sinabi niyang iyon. How did he know I was looking at him?

"I can feel your stare," wika niya na tila ba nabasa ang tanong sa isip ko.

"Hmp. Ang takaw mo kasi kaya napatitig ako. Ang lakas mong kumain pero kalansay ka naman," pang-aasar ko upang takpan ang pagkapahiya.

Kinagatan ko ang hawak na burger upang alisin ang pansin sa kaharap na lalaki.

"Excuses, excuses. 'Wag mo nang ipagkaila. Crush mo ako, eh."

Lumunok ako at uminom muna ng softdrinks bago siya sinagot. "Masyado ka talagang ilusyunado, Genos! Magtigil ka nga at baka hindi kita matantya!"

Bahagyang dumukwang si Genos palapit sa akin. Umangat ang palad niya hanggang sa dumampi sa gilid ng labi ko ang daliri niya.

"May ketchup," simpleng saad niya habang pinapahid iyon. Isinubo niya ang daliri pagkaalis niyon sa gilid ng labi ko. "Sarap."

Shoot! What is this fuzzy feeling in my head?!

"K-kaya ko naman punasan!" sita ko sa kanya.

"Oo nga."

"Genos—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sinubuan ng fries. "Eat."

Wala sa sariling nginuya ko 'yong fries. Unti-unting inilapit ni Genos ang mukha sa mukha ko. Imbes na umusog palayo ay hindi ako gumalaw. His face was so serious I could not help but stare at him.

"May pimples ka, oh," aniya saka dinutdot ang gitna ng noo ko.

Namumula ang pisngi na sinapo ko ang noo. "W-what?!"

Tumawa si Genos habang bahagyang hinahampas ang mesa. "May pimples ka. Bakit? Ano'ng akala mong gagawin ko?"

"W-wala! Akala ko pupunasan mo ulit ako. Pangarap mo kasing maging babysitter!" wika ko pero sa totoo lang, sobra-sobra ang kaba ko dahil sa ikinilos niya.

I could not understand Genos at all. The same way I could not understand myself when I am around him.

"Talaga?"

Inirapan ko siya. "Bahala ka sa buhay mo!"

Iniwas ko ang paningin kay Genos. Natatakot akong mabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. Baka mabasa niya ang halu-halo at nagkakagulong emosyon na nandoon.

Genos leaned forward as he gently ruffled my hair. "Thank you, Dana."

"Para saan?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Sa pagsama sa akin."

"Wala 'yon. Wala rin naman akong ginagawa."

"Kahit na. Salamat pa rin. I can bear the loneliness of losing someone because you are here with me."

Shoot. Shoot. Shoot! What the fudge?! Ano'ng ire-reply ko? Hindi ako makapag-isip ng matino. Para akong natuliro. Oh, God! Bakit ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako?

"W-walang anuman," nauutal na sagot ko.

Nang ngumiti siya sa akin, iyong ngiti na abot hanggang mga mata at labas ang ipin, parang may sumuntok sa sikmura ko.

Hindi puwede ito!

"TAMA pala sila."

Mula sa pagtingin sa papalubog na araw ay binalingan ko si Genos na siyang nagsalita. "Sino?"

"Sila. May nagsabi kasi na walang pare-parehas na sunset. Ilang sunset na ang nakita ko pero hanggang ngayon, gandang-ganda pa rin ako." Biglang napakamot ng batok si Genos saka ngumiwi. "Corny ba?"

Umiling ako. "Hindi. Pero tama ka."

Ngumiti si Genos. His smile was so serene. I would admit I was taken by his smile.

Ang pagtingin kay Genos ay parang pagtingin sa araw—masakit. Masakit dahil alam kong kung anuman 'tong nararamdaman ko ay bawal at hindi puwede; walang kahahantungan.

We weren't strangers anymore but we were somehow still was. Magulo, 'no?

Biglang ginagap ni Genos ang palad ko. "I'm glad I picked your song request, Dana. Thank you for the friendship."

Ay tungunu. Friendzone.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now